CHAPTER 27 (2)

81 5 0
                                    

CHAPTER 27.2



Namutla si Niña nang makitang gutay-gutay na ang mga damit ng tatlong babae. Hindi n'ya maatim na isipin ang nangyari sa mga babae.

Namayani ang hagulgol sa loob ng kwarto na kinalalagyan ng mga kasama ni Niña. Yakap-yakap ng mga estudyante ang walang buhay na katawan ng tatlong babae.

Tatlong araw nilang hinanap ang tatlong kasama at ngayon lamang nakita. Nadatnan nilang nakahiga ang tatlong babae sa sahig sa loob ng kanilang kwarto.

Nagulat lamang sila sa nakita. Do'n pa lang ay batid nilang may gumawa ng kahayupan sa tatlong kasama. Hanggang ngayon hindi pa rin nila matukoy kung sino.

“Ella,” tawag ng isang babae, niyugyog pa ang walang buhay na katawan ng kasama. “S-Sino ang may gawa nito sa inyo? M-My—”

“Daming satsat at kadramahan,” Biglang sumulpot sa gilid nila si Marvey. Agad napadako ang kanilang tingin kay Marvey. Gulat na sumulpot ito sa gilid.

Umatras ang estudyante na yakap-yakap ang katawan ng bangkay.

Hindi makapagsalita si Niña. Hindi n'ya maiwasang isipin na may kinalaman si Marvey rito kahit walang matibay na ebidensya.

Naramdaman siguro ni Marvey na may nakatingin s'ya rito ay umangat ito ng tingin sa kan'ya. Napaatras ng isang hakbang si Niña nang makita ang itim na mga mata ni Marvey.

Ilang beses na kumurap si Niña. Nagmamalik mata ba s'ya? Nakita n'ya ang pag-itim ng mga mata ni Marvey.

'Imposibleng may gano'ng klaseng mga mata.' Naisatinig ni Niña sa isip.

Natahimik ang lahat. Hindi nila inalis ang tingin kay Marvey. Bawat galaw ng dalaga ay kanilang sinusundan. Nakakaintimida nga naman talaga ang presensya nito.

“Peke. Lahat ng mga tao rito ay peke,” biglang usal ni Marvey, na para bang nangangasim ang kan'yang panlasa sa bawat salitang binigkas n'ya.

“P'wede 'bang sa sunod na araw ka na lang magbiro?” inis na singhal ng isang babae na nasa gilid lamang ni Marvey. “Kita mo naman na may namatayan tayong kasama tapos nakangisi ka pa d'yan.”

Napahiyaw sa gulat ang mga estudyante nang biglang hinawakan ni Marvey sa leeg ang babaeng nagtangkang pagsalitaan si Marvey.

“Wala akong pake at nararapat lamang sa kan'ya iyan!” sigaw ni Marvey sa pagmumukha ng babae. Marahas na binawi ni Marvey ang kamay na ikinabagsak ng babae sa sahig, napahabol ng hininga ito.

“T-Tama na, M-Marvey,” mahinang bulong ng kasama ni Niña ngunit hindi iyon narinig ni Marvey dahil sa hina ng boses.

Yumuko ng bahagya si Marvey at saka masamang tingin ang pinukol sa babaeng hinahabol pa rin ang hininga.

“Gusto mong mamatay, huh? Then, hintayin mo na ikaw na ang susunod.”

Do'n pa lang kumilos ang mga kasama ni Niña nang nakaalis na si Marvey. Inalalayan nila ang babae na nakaupo ngayon sa sahig, tulala sa sinabi ni Marvey. Naiiyak at hindi n'ya alam kung anong sasabihin.

Hindi na magawang kausapin pa ni Niña ang kasama. Higit na takot s'ya kay Marvey, kaya hanggat maaari, ayaw n'yang masangkot sa gulo.

~•~•~•~

Binuga ni Marvey ang usok sa kan'yang bibig at binalik ang stick ng sigarilyo sa kan'yang bibig. Hanggang ngayon nag-iisip s'ya kung ano ang maaaring gawin sa babaeng naglakas loob para kausapin s'ya. Masyadong pakialamera.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon