EPILOGUE (2)

203 13 1
                                    

EPILOGUE (2)


THIRD POV,

(Present)


Hindi man lang nasaktan si Avery sa naapakan n'yang bubog ng salamin nasa sahig. Tuloy-tuloy ang kan'yang lakad hanggang sa nakarating s'ya sa kama.

Matutulog na sana s'ya para may lakas ito mamaya kapag magising s'ya. Biglang bumukas nang marahas ang kan'yang pinto. Nag-alala ang mukha ng kan'yang Mama.

“Anong ang nabasag, Avery?” Nilibot nito ang paningin at kaagad nakita ang wasak na salamin na nasa sahig. Napasinghap ito.

Umupo sa kama si Avery at ngitian ang kan'yang Ina na para 'bang walang maling nangyayari.

“Hayaan n'yo na lang po 'yan, Ma.” Ngumiti ito ng malawak na ikinabahala ng kan'yang Ina na tuluyan nang nakapasok.

Saglit ulit na tumingin ang kan'yang Ina sa bubog na nakakalat sa sahig at maluha-luhang bumaling ang Ina n'ya.

“A-Ayos ka lang ba talaga, Avery?” nangangambang tanong ng kan'yang Ina, napailing ito pagkatapos.

Nanatili pa rin ang malawak na ngiti ni Avery nang tumayo s'ya para yakapin ang Ina. Natulos sa kinatatayuan ang Ina ni Avery nang maramdaman ang init ng katawan nito.

“Salamat, Ma at nag-alala ka.” Bahagyang hinimas-himas ni Avery ang likuran ng kan'yang Ina na nagbigay kilabot sa kan'yang Ina. Mas napangiti si Avery. “Matulog ka na po, Ma at magiging maayos na ako bukas.”

Tulala ang kan'yang Ina matapos nitong kumalas sa yakap. Taka at takot ang nakapaskil sa mga mata ng kan'yang Ina.

“Sige na, Ma, good night,” mabilis n'yang paalam sa kan'yang Ina at tinulak nang bahagya upang makalabas sa kan'yang kwarto.


~•~•~•~

Kakababa pa lamang ni Avery sa hagdanan nang marinig ang pamilyar na boses na nagbubulungan sa kusina. Kinusot n'ya ang namumungay n'yang mga mata bago napagpasyahang tumuloy sa kusina.

Medyo nagulat pa si Avery nang madatnan si Arren at lalo na si Stephen na sa pagkakaalam n'ya'y tumungo ito sa ibang bansa.

Kunot-noong lumapit s'ya sa kanilang kinauupuan. Hindi n'ya masyadong narinig ang pinag-uusapan nila ngunit batid n'ya na tungkol ito sa kan'ya. Iba ang pakiramdam n'ya rito.

“Stephen?” takang tawag n'ya sa kaibigan, agad itong umangat ng tingin sa kan'ya. Ngumiti ito sa kan'ya.

“Avery.”

Napatingin din tuloy si Arren at kan'yang Ina sa kan'ya. Ngumiti s'ya kay Arren na kaagad namang tinugunan ni Arren.

Nagpaalam muna ang kan'yang Ina bago sila iniwan tatlo. Subalit bago pa makalabas ang kan'yang Ina ay nag-alalang tingin pa itong bumaling sa kan'ya. Agad ding lumabas ito kaya sinawalang bahala na lamang ni Avery kung anong ibig pahiwatig ng kan'yang Ina.

Umupo s'ya sa harapan ni Arren at Stephen. “B-Bakit pala kayo nandito? Ang aga pa at saka bakasyon natin ngayon.” Walang ideya si Avery kung ano ang kailangan ng dalawang lalaking ito at ganito kaaga na pumunta rito.

Nagkatinginan ang dalawang binata saka bumaling ulit sa kan'ya. Hinawakan ni Arren ang kamay ni Avery.

“May importanteng sasabihin sa 'yo si Stephen. Pumunta lang ako rito para sana malaman ang gusto n'yang sabihin.”

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon