CHAPTER 10

95 6 0
                                    

CHAPTER 10


“Arren anong nangyar—” Mabilis akong napaatras nang makita ang tinitignan ni Arren. Marahas na umiling ako at hindi makapaniwala sa nakita. “H-Hindi!”

Gust kong pumasok sa banyo pero paatras-abante lang ako dahil sa takot ko. Hindi maproseso ang utak ko at tila nablangko lamang. P-Paano nangyari ito? Paanong alam n'ya 'to at nandito s'ya?!

Tila natauhan naman si Arren mula sa pagkatulala. Mabilis n'yang pinuntahan si Rynne na ngayon ay nakabitay sa itaas. Nanginginig at mangiyak-ngiyak akong sumunod din sa pagpasok. Do'n ko lang naihakbang ang paa ko.

Maluha-luhang inalis ni Arren ang lubid na nakapalibot sa leeg ni Rynne. Basi sa dugo at mukha ni Rynne ay kabibitay pa lang n'ya. Hindi ko masabing aksidente ang nangyari sa kan'ya!

Parang napaos na ang boses ko dahil kahit sumigaw ako ay hindi ko magawa. Tahimik na binuhat ni Arren si Rynne at lumabas. Nanghihinang sumunod ako sa kan'ya.

Kita ko sa mukha ni Rynne ang matinding pagkamutla. 'Yong kamay n'ya kanina may bahid na dugo na hindi ko alam kung saan galing.

'Yong suot n'yang damit kanina... 'Yon 'yong binigay ko sa kan'ya na cassock robes na may mantya sa bandang leeg at dibdib.

Namutawi ang ingay at iyak sa buong silid namin. Halos lahat ng mga kasama ko ay nandito sa aming kwarto, pinalilibutan namin si Rynne.

Wala na si Rynne. Hindi pa rin ako makapaniwala. Masyadong mabilis ang pangyayari. Kagabi lang kami nag-usap tungkol sa misteryong nakapaloob dito tapos madadatnan ko s'ya sa itaas na wala nang buhay.

Walang makasasagot sa 'king katanungan kung bakit nando'n s'ya at alam n'ya na may ceiling room sa itaas ng kama ko. Hindi ko naman naramdaman o nakita man na sumampa s'ya ro'n. Madaling araw akong natulog kaya malamang pagkatulog ko, ro'n s'ya mismo nakaakyat.

Paano nga? Ang gulo. Bakit naman s'ya aakyat do'n 'di ba?

Hindi maipaliwanag ang mukha nina Padre kasama ang lahat na nakatatanda sa amin. Tila nakakita sila ng multo dahil sa namumutla ang kanilang mukha.

Alam kong takot sila na walang ihaharap sa magulang ni Rynne. Ano ba naman kasi ang irarason nila? Seryosong sitwasyon ang nangyari kay Rynne.

Hindi sila nagtanong kung bakit s'ya nando'n o ano. Pakiramdam ko may alam sila tungkol dito. Naiinis man sa kanilang pinapakita ay hindi ko muna sila tinanong muna.

Halos mapuno ang buong kwarto namin dahil kahit section 3 at 1 nandito. Nakaupo ang iba sa sahig ang iba naman sa mga kama.

Katabi ko si Arren ngayon sa kama ko habang si Carlo at Stephanie naman ay nasa bandang likuran namin. Tulala at kanina pa sila tahimik na tila ba malalim ang iniisip.

Niyakap ko ng mahigpit ang unan sa 'king kandungan. “Anong gagawin natin?” bulong ko at binalingan si Arren ng tingin. “Tuloy pa ba?”

“Malamang tuloy. Wala tayong magagawa.”

Napabaling ang atensiyon ko kay Caz na nakadikwatro ng upo sa kama ni Rynne. Naiinis ako sa babaeng 'to.

“Hindi ibig sabihin na wala na s'ya, titigil na lang tayo,” sabat naman ni Ericka, napatayo s'ya sa pagkakaupo sa sahig. “Masasayang ang lahat kung magpapaapekto tayo. Come on, guys, h'wag kayong gan'yan!”

“Ikaw kaya namatayan, huh?! P'wede ba! Konting respeto naman kay Rynne! Parang walang pinagsamahan, ah!” sigaw ni Venezia, isa sa mga kasama ni Zarahi.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon