CHAPTER 25

81 7 0
                                    

CHAPTER 25


'Who are that people I see?
Staring straight right back at me.'

Nanindig ang mga balahibo ko nang aking marinig ang umilangawngaw na boses sa loob ng silid ng simbahan.

Kasalukuyan akong nakatayo sa gitna habang hinahanap-hanap ng aking mga mata ang boses ng mga taong nagkakantahan. Hating-gabi na ngayon, tanging buwan lamang ang gumagabay sa 'king dinadaanan.

'Who is the traitor, jackass? Front or back face with blood?'

Hinawi ng hangin ang suot-suot kong mahabang bestidang itim na may talukbong sa 'king likuran. Nakatapak ang dalawang paa ko sa lupa nang nakalabas ako ng simbahan.

'Maybe someone you know. Don't stop singing tonight, 'cause your voice may be lose this time.'

Kahit nilalamig ang aking katawan sa nangingig kong nararamdaman ay pinagpatuloy ko ang paghahanap sa boses na iyon. Mga kasama ko ba iyon?

'Will you find the culprit behind of this? We'll kill one by one if not.'

Mga sirang puno at wala man lang kabuhay-buhay na paligid ang aking bawat nakasasalubong. Hanggang sa kusang tumigil ang aking mga paa.

Bumaba ang aking tingin at nakitang sirang yero at mga basag na semento ang nakakalat sa lupa. Saan naman ito galing?

Sinundan ko ang mga basag-basag na semento hanggang sa dinala ako sa cover court na nasa likurang bahagi ng simbahan.

Nabitawan ko ang susi ng motor na 'di ko man lang namalayang hawak-hawak ko pala. Halos kunin na ng hangin ang aking hininga.

Nanlalabong mga mata, kasabay ang pakurap ko ay ang pagtulo nang nagraragasang luha sa aking mga mata. Takot at pagtataka ang aking nararamdaman nang makitang wasak na ang hukuman kung saan sana gaganapin ang aming palabas.

Napatakip ako sa 'king bibig at pinigilan na kumawala ang malakas na hikbi. Mabilis akong tumungo roon at mas lalo na lang napaiyak sa nakita. Halos mawalan na ako ng balanse sa aking nasaksihan.

Patay lahat ng mga kasama ko sa choir club. Duguan, sugatan at binagsakan pa ang ilan ng yero na galing sa itaas ng cover court. Wala ng buhay ang kanilang mga katawan.

'Don't waste your time, death is chasing after you.'

'Yong kaibigan ko, 'yong mga kagrupo at kasama ko'y wala na.

Napahagulgol ako habang nililibot ang aking paningin sa mga nasawing buhay ng mga kasama ko. Biglang tumigil ang aking paghinga sa nakita. Tumigil na rin ang naririnig kong kanta. Sino sila kung hindi sila ang mga kasama ko?

Nakasuot sila ng cassock robes na may hoodies. Malayo sila sa kinaroroonan ko kaya hindi ko makita kung sino sila. Masama ang pakiramdam ko, sa tingin ko'y may kinalaman sila sa nangyari.

Ang mas kinatatakutan ko ngayon ay parehas kami ng kasuotan samantalang kagrupo ko lamang ang tanging may kapareha sa 'king suot ngayon.

Wala na ang mga kagrupo ko, kaya sino sila? Bakit parehas kami ng kasuotan ngayon? Bakit nakatayo at tinititigan lamang nila ako mula rito sa gitna ng mga namatayan kong kaklase?

Kailangan kong malaman kung sino ang may kagagawan nito. Aksidente lang ba talaga o sinadya?

“Avery!” sigaw mula sa 'king likuran na ikinalihis ko ng tingin sa mga nakita kong taong 'di kalayuan sa akin.

Nabuhayan ako ng pag-asa nang makita si Stephen at Arren na patakbong lumapit sa 'kin. Hindi ko namalayan na nakaluhod na pala ako sa lupa. Inalalayan nila akong tumayo.

Naningkit ang mata ko sa tuloy-tuloy na luhang rumagasa sa 'king mga mata. Hindi maawat.

Pinunasan ng paulit-ulit ni Arren ang aking luha. “H-Hindi ko alam na mangyayari ito.” Bakas ang pagkabigla sa kan'yang mata nang ibaling ang tingin sa nawasak na hukuman.

Rinig ko pa ang mura ni Stephen na 'di ko na inabala pang suwayin.

“W-Wala na silang buhay lahat.” Binaling ko ang tingin sa pwesto kung saan ko nakita ang mga taong iyon na sa tingin ko'y may kinalaman sa pagkawasak ng cover court.

Inalis ko ang kamay ni Arren sa 'king pisngi at tumungo sa pinaka gitnang parte ng hukuman. Palinga-linga ang ulo ko sa paligid. Bigla na lang nawala ang mga taong iyon! Kailangan ko silang maabutan bago pa sila makalabas ng gate.

Tulala pa rin sila sa nakikita nang bumalik ako sa kanila. Alam ko ang kanilang nararamdaman. Tatlo na lang kami. Swerte kung may natira pa kaming mga kasama.

Hinawakan ko ang kanilang kamay. “M-May nakita akong mga estudyante na tulad natin.” Lumunok muna ako ng laway. “Magkapareho kami ng suot. M-May pakiramdam ako na baka sila 'yong dating choir na naiwan dito.”

“Saan mo sila nakita?” mabilis na tanong ni Arren at mas lalo 'pang lumapit sa 'kin. Natulos naman sa kinatatayuan si Stephen.

“Mismo sa gubat na iyon.” Tinuro ko, nanginginig pa ang kamay. Sobra-sobra na kasi ang nangyayari ngayon. “Bigla na lang silang nawala. Kailangan muna natin isarado ang gate para walang makalabas.”

“Naguguluhan ako, Avery,” kunot-noo na usal ni Arren. “Malabong nandito pa rin 'yong mga dating choir. Paano mo nasabing sila iyon?”

“Nandito pa rin silang lahat.”

Bigla akong napatingin kay Stephen na kaninang tahimik ay ngayon nagsalita na. Lumapit ako sa kan'ya. May alam s'ya sa dating choir kaya malamang alam n'ya kung nasa'n sila.

“Paanong nangyari iyon? 'Di ba dapat wala na sila rito? May kinalaman ba sila rito, Stephen?” sunod-sunod kong tanong.

Bigla ko tuloy natandaan si Niña, 'yong kaibigan namin na nakaraang taong pa namatay. 'Yong nakita kong babae na nasa tuktok ng simbahan? Dating choir din ba iyon? Gulong-gulo na ako.

“Sinabi ko na sa 'yo na nakulong din sila rito ng ilang buwan.” Huminga s'ya ng marahas. “Wala akong alam no'ng una kung nasa'n sila. Balak ko sanang hanapin sila para matuloy kung ano ba talagang nangyari kay ate. Ngayon, alam kong nandito sila.”

Bigla akong binuhusan ng malamig na tubig sa kan'yang tinuran. Naalala ko na sa tuwing hating-gabi, may mga naririnig akong kanta. 'Yong klase nilang kanta ay mga classic. Sigurado akong praktisado silang choir.

Hindi nakapagsalita si Arren ngunit alam kong pareho ang aming iniisip ngayon. Nagkatinginan kami.

“Umalis muna tayo. May dapat kayong malaman sa simbahang ito,” sambit ni Stephen. S'ya pala 'yong makasasagot sa aming katanungan. Bakit ngayon lang gayong kaming tatlo na lang ang natitira?



Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon