CHAPTER 30

105 8 0
                                    

CHAPTER 30


“Kapatid ko, nandito ka.” Malayong-malayo sa boses nito kanina. Napalitan ng mahinahon ang tono ni Marvey.

Nangilid ang luha kong nakatingin hanggang ngayon kay Arren. Kaya pala kanina pa s'ya tahimik sa 'king tabi at kakaiba ang mga titig n'ya. Paano n'ya naging ate si Marvey?

“T-Tagal ka naming hinanap, ate,” basag na boses ang lumabas sa bibig ni Arren, nakaipon ang mga luha sa kan'yang mga mata habang nakatingin pa rin kay Marvey.

Mas binuka ni Marvey ang braso n'ya. “Nandito ka, bunso ko. Yakapin mo si Ate Marv.”

“H'wag mong gawin, A-Arren.” Hindi ako kumbinsido na nagbago na ang pakikitungo ni Marvey. Demonyo s'ya kaya mananatili iyon na gano'n.

Hinila ko si Arren palapit sa likuran ni Padre Norman na kanina pa tahimik. May binubulong ito sa hangin habang nakapikit.

Sinundan kami ng tingin ni Marvey, nanliliksik ang kan'yang matang nakatingin kay Padre Norman. Bigla na lang tumilapon ang librong hawak ni Padre kaya kaagad itong napamulat at tumigil sa pagbulong sa hangin.

“Ate ko s'ya, Avery.” Nagmamakaawa ang mukhang ni Arren sa 'kin na nakatingin. Gusto n'yang lapitan ito ngunit mahigpit ang pagpigil ko sa kan'ya.

“Hindi mo alam kung kapatid pa rin ba ang tingin n'ya ngayon sa 'yo, Arren,” mariin kong usal.

“Psalm 84:11 For the Lord God is a sun and shield; the Lord will give grace and glory; no good thing will he with hold from those who walk uprightly.”

Biglang yumanig ang sahig matapos magsalita si Padre Norman. Wala na ang mga madreng kasama namin. Ngayon ko lang napansin.

Hahanapin ko sana sila at baka napahamak na ito subalit biglang sumigaw si Marvey nang napakalakas. Umatras ito ng ilang hakbang habang sapo nito ang noo na tila may iniindang sakit.

“Today, I bow before you in desperation because, even when I try to think positive thoughts, I am facing continuous attacks by the enemy.”

Marahas ang paghinga at sinabunutan n'ya ang kan'yang buhok. Bumalik ang dati n'yang kulay itim n'yang mga mata. Nanggagalaiti ang ngipin n'ya sa gigil. Nakatingin s'ya ngayon kay Padre Norman na nagdadasal sa hindi ko maintindihang lengguwahe.

“Ate ko,” Tulala s'ya, sinubukan ni Arren na abutin ang kan'yang ate. Pinigilan ko ulit s'ya.

Ngayon lang din nakabalik ang mga kasama namin. May dala-dala silang mga gamit. Ipapaatras ko sana sila nang bigla kaming pinalibutan ng itim na usok.

Sunod-sunod ang sigaw ni Padre Norman kasama ngayon ang mga madre, nakaluhod at nakayuko sila sa sahig. Gano'n din kami na mga estudyante. Biglang yumanig ang lupa kaya napatumba kaming lahat at napaupo sa sahig.


“Kunin ang dapat na kunin!” Umaalingawngaw ulit ang boses ni Marvey sa buong paligid.

Hindi kami halos makatayo dahil sa pagkayanig ng lupa. Malakas ang impak na tumama ang hangin sa amin dahilan ng pag-atras namin ng upo. Masakit man ang bandang balakang ko na tinamaan ng matigas na bagay sa likuran ay hindi ko na ito alintana. Napaangat ako ng tingin sa itaas.

Tanging usok at dilim ang nakikita ko sa paligid. Biglang lumutang si Marvey sa ere, kaya pala malakas ang paghampas ng hangin sa amin.

“S-Saint Michael the Archangel, d-defend us in the day of battle.” Nanginginig na ang mga kamay ni Padre Norman ngunit hindi n'ya ito inabala 'pang pakalmahin, tuloy ang kan'yang pagdadasal.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon