CHAPTER 27

74 5 0
                                    

CHAPTER 27

THIRD POV,


Kasalukuyang hinihintay ni Marvey ang kan'yang mga kasama habang nakasandig sa pader banda sa kaliwang pasilyo.

Kumurba ang ngiti sa kan'yang labi habang naglalaro sa kan'yang isipan kung anong mas magandang gawin sa tatlong babaeng binubulungan s'ya kanina.

Hindi s'ya umalis sa pagkasandig nang makitang dadaan ang tatlong babaeng hinihintay n'ya kanina pa.
Abala ito sa pagkukuwentuhan kaya hindi s'ya napansin sa gilid.

Dinig ni Marvey na pinag-uusapan s'ya nito. Hindi na n'ya inabala 'pang alamin kung ano man ang sinasabi nila tungkol sa kan'ya. Hinarang ni Marvey ang tatlong babae, napatigil naman ito.

Nawala ang ngiti sa kanilang labi nang makita ang mala-demonyong ngiti ni Marvey.

“Nasasayahan ba kayo sa inyong pinag-uusapan?” Hindi inalis ni Marvey ang ngisi sa labi.

Mala-anghel nga naman ang mukha ni Marvey ngunit kabaliktaran naman sa totoong pagkatao n'ya.

Nanginig sila sa kaba. Ramdam nilang may mali kay Marvey. Batid ng lahat na may problema ito sa pag-iisip, halatang may pinagmanahan dahil mismo magulang nito ay may problema rin sa pag-iisip.

Napaatras sila sabay nang humakbang si Marvey ng dalawang beses. Gustuhin man ng isa na tumakbo, hawak naman s'ya ng kan'yang mga kasama sa mahigpit na paraan.

“M-Marvey,” utal na tawag ng isang babae na grabe kung makapanglait kay Marvey.

“Bakit hindi  n'yo magawang sabihin sa 'kin ang tungkol sa nalalaman n'yo sa aming pamilya?” mahinahong tanong ni Marvey salungat sa mala-demonyong titig nito. “P'wede 'bang maki-chismis din ako? Nakatutuwa na palagi n'yo akong naalala.”

“S-Sorry, Marvey!” Biglang umiyak ang isang babae. Mahigpit ang kapit nito sa kaibigan. “H'wag mo kaming s-sasaktan.”

Sising-sisi silang tatlo sa kanilang ginawa. Kung sana hindi sila nag-ungkat pa tungkol sa pamilyang kinabibilangan ni Marvey, baka mahimbing na ang tulog nila ngayon sa kwarto.

“Sorry?” Tumaas ang kilay ni Marvey saka tumawa nang nakakikilabot, nanigas ang tatlo. “Bakit naman kayo magso-sorry? Sobrang saya ko nga, eh.” Humakbang pa s'ya palapit sa kaklase n'ya.

Hindi makakilos ang tatlong babae. Hindi na maganda ang timpla ni Marvey basi sa sinabi nito. Hinawakan sila ni Marvey at salitan ang pinukol nito sa kanila.

Samantalang hindi maiwasan ng tatlong dalagita na manalangin na sana hindi ito sumpungin ng kabaliwan sa utak. Alam nila kung gaano ito kasama.

“At dahil kilala n'yo na ako, gusto kong mag-sleep over tayong apat.” Pumalakpak pa ito ng ilang beses at nakangiti nang malawak.

Nakahinga tuloy ng maluwag ang tatlo pero nando'n pa rin ang pag-alinlangan sa kanila. Hindi nila matukoy kung ano ang nasa utak ngayon ni Marvey.

Mahigpit na kumapit ang nasa gitna na babae sa kaibigan n'ya. “S-Saan magsl-sleep over?”

Umatras ng tatlong hakbang si Marvey at saka pinihit ang doorknob ng kan'yang kwarto, hindi inaalis ang titig sa tatlo at nakangiti pa rin.

“Syempre rito. Para solo nating apat,” sagot ni Marvey, sinenyasan 'pang pumasok sila.

Hindi sila sumunod. Nagkatinginan silang tatlo na tila ba'y nag-uusap sa pamamagitan ng titig. Nagngitngit ang ngipin ni Marvey nang makita ang pagdadalawang isip ng tatlong babae.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon