CHAPTER 15

83 6 0
                                    

CHAPTER 15


Malapit na ang hating gabi nang kumilos kami. Hindi kami gumawa ng ingay habang tahimik na binabaybay ang daan papalabas ng simbahan. Bitbit nga lang namin ang tsinelas nang nasa hagdan na kami bumababa.

Walang nagsasalita at tanging senyas lang ang ginagawa namin para magkaintindihan.

Mabilis kaming lumapit sa malaki at mataas na pinto ng simbahan. Nando'n si Ericka, nagawa n'yang buksan ang pinto gamit ang susi na kinuha n'ya kay Padre.

Pagkabukas ng pinto ay sunod-sunod na nagsilabasan kaming lahat. Nanginig pa ang katawan ko sa lamig ng panahon.

Sinalubong kami ng madilim na paligid. May narinig pa akong huni na parang ibon na 'di ko matukoy kung anong klase ito.

Hinawakan ni Arren ang aking kamay kaya napatingin ako sa kan'ya. Ito na naman ang abnormal kong puso, kumakabog nang mabilis. Sana hindi n'ya naririnig.

“H'wag kang lalayo sa 'kin,” sambit n'ya, masyadong malalim ang ibig n'yang iparating sa 'kin.

“Paano si Carlo at Stephanie?” taranta kong tanong. Ngayon ko lang sila naalala.

Lumingon-lingon ako sa paligid at kaagad nakitang nasa pinakaunahan sila naglalakad. Tumuloy kami sa paglalakad kahit hindi namin batid kung makikita ba namin ang malapad na gate na isang beses naming nakita.

Hindi namin magawang tumakbo, kailangan naming alalahanin kung saan ang daan patungo ng gate.

“Maayos naman sila ro'n.” Turo pa ni Arren kila Carlo, sinabayan n'ya ako sa paglalakad. “Tayo dapat ang palaging magkasama.”

May sinasabi ang mga kasama namin pero masyadong nakapukos ang atensiyon ko kay Arren lalo pa sa binitawan n'yang salita.

Hindi ko maiwasang mag-assume na baka parehas ang aming nararamdaman. Imposible rin na may gusto s'ya sa 'kin. Sinabi sa 'kin ni Carlo na wala s'yang girlfriend dahil takot daw sa commitment. Hindi ko alam kung paano nila iyon nalaman.

“Bakit naman?” Gusto ko 'pang dagdagan ng ilang katanungan na bumabagabag sa 'king isipan ngunit pinigilan ko na lang na h'wag sabihin.

Nagkibat-balikat s'ya at ngitian lang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit takot sila minsan kay Arren. Halos silang lahat walang tiwala sa kan'ya. Bakit hindi ko makita na isa s'yang masamang tao kung gano'n?

Palagi s'yang nand'yan sa 'kin kahit kakikilala pa lang namin. Tahimik s'yang tao pero makikita naman sa bawat kilos n'ya na may paki s'ya sa amin.

Hindi nila alam na kaming dalawa ni Arren ang pumoprotekta sa kanila.

Tumigil ang ilan kaya nagtatakang nilibot ko ang tingin sa kanilang lahat. Nagtataka rin ang iba.

“Bakit kayo tumigil?” tanong ng kasama namin na babae.

“Shh!” singhal ni Ericka at itinapat ang hintuturo sa bibig na para 'bang sinasabing tumahimik kami. “Did you hear that?”

“Ang alin?” Lumapit sa kan'ya si Venezia.

Mahinang inikot ni Ericka ang kan'yang ulo sa kabilang gilid. Natahimik naman kami nang unti-unti naming napagtanto na may sumisigaw sa 'di kalayuan sa 'min.

“Students!”

Napasinghap kami. Si choir master iyon at alam kong malapit na n'ya kaming maabutan.

“Sh*t! Paano n'ya nalaman?!” 'di makapaniwalang bulalas ni Ericka.

“We have to hurry! Move, guys!” pasigaw na singhal ni Chord at sinenyasan kaming mauna na.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon