Chapter 6
The Training Camp
***
"Papa, ihagis mo nga po 'yong damit na 'yon dito!" utos ko kay Papa na nasa kusina't nililigpit ang aming inagahan. May damit kasi akong nakasampay malapit sa kusina.
Kinuha niya 'yon at inihagis nga sa akin.
Nang masalo, agad kong tinanggal ang hanger nito at sinimulang tupiin.
Nandito ako sa may banig at inaayos na ang aking mga gamit. Nag-message na kasi kahapon sa akin ang mga taga Taguig Council tapos ngayong araw ako susunduin kaya naging aligaga ang buo kong pagkatao.
Dapat nag-prepare na rin ako kasi napili nga ako. Pero grabe naman kasi! Walang week akong hinintay para makapag-prepare!
Taguig Council, makokotongan ko kayo.
"Ate," mahinang tawag sa akin ni Kristine at tumabi siya sa akin dito sa banig.
"Mm," tugon ko habang tinutupi ko ang mga damit ko.
"Kailan ka babalik?" malungkot niyang tanong.
Napabuntonghininga ako habang nagliligpit. "Hindi ko rin alam, Kristine. Hindi ko nga rin alam kung makakabalik pa ako."
"Ate. . ."
"Pero 'wag kang mag-alala." Itinigil ko muna ang pagliligpit ko at humarap sa kanya. Ipinatong ko ang aking mga palad sa kanyang braso. "Gagawa ako ng paraan para makabalik. At kapag babalik na ako, sisiguraduhin kong maayos na ang kalagayan natin. Gusto mong tumira sa Alabang? Sa likod ng pader?"
Malungkot pa ring tumitig si Kristine sa akin. Ang kanyang mga mata ay nanunubig at 'di kalaunan, may nagpadulas na ring luha mula roon.
Ngumiti ako at pinunasan ang kanyang luha.
"Kristine, gagawin ni ate ang lahat."
"Opo. Mag-iingat ka ate."
Tumango-tango ako at ipinagpatuloy ang aking pagliligpit dito sa aking maleta.
Suot-suot ko rin ang aking paboritong itim na shirt na may naka-imprentang "Guinto" sa harap nito. Syempre, proud ako sa apelyido ko ano. 'Cause I'm a gold!
Saglit akong natawa sa walang kuwentang pakulo ng utak ko. Hindi talaga ako bagay sa comedy.
Isinuot ko na rin 'yong itim na baseball hat na bigay ng singkit na lalaki noon sa marketplace. Habang isinusuot ko nga ito, dumalaw ang kanyang mukha sa aking pag-iisip. Kumusta na kaya 'yon?
***
Alas dose ng tanghali at nandito lang ako sa may bintana't dinudungaw ang tanawin sa labas. Natapos na ako sa pagligpit ng mga gamit. Tapos na rin akong kumain ng tanghalian. Kinakabahan nga ako ngayon at nanginginig ang aking tuhod habang nakaupo't inaabangan sa labas ang magiging sundo ko.
Naibigay ko na rin kina mama ang 500,000 bill na binigay sa akin ng lalaking singkit na 'yon. Heto, kinakapa-kapa ko ang tuka ng baseball hat na binigay niya rin sa akin. Napangiti na lang din ako. After kasi ng pagkikita namin, nagsunod-sunod bigla ang magagandang pangyayari sa akin at sa aking pamilya.
Kaya, oras na makita ko muli siya, magpapasalamat ako. Ibabalik ko na rin 'tong sumbrero.
"Din," pagtawag ni Papa kaya nabaling ang tingin ko sa kanya na papalapit dito sa akin. Umupo siya sa tabi ko't inilipat ang tingin sa labas. "Takot kami ni mama mo na mawala ka sa 'min," may bigat sa boses niya iyong sinabi. "Pero, kung 'yang pagsali mo sa race na 'yan ay gusto mo talaga, hindi ka na namin mapipigilan pa. Kinakabahan lang kami ni mama mo dahil baka . . ."

BINABASA MO ANG
Let's Race
FantasíaNadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her and her city from extinction. ***** In the year 3000, overpopulation is the most pressing issue in ou...