Chapter 20

376 16 4
                                    

Chapter 20

Level Three: The Weapon Test

Part 1

***

Nasa isang malaki kaming elevator na puro makintab na pilak ang bumalot sa apat na sulok sa bagay na ito. Nakikita ko na nga ang repleksiyon ng aking sarili sa tuwing humaharap ako sa dingding ng elevator na ito. 25 na katao ang nagkasya rito sa elevator na ito at pababa na kami sa Underground na tinutukoy ni Miss Idda.

Bigla naman akong siniko ni Jens na nasa aking tabi kaya lukot-tingin kong ibinaling sa kaniya ang aking mukha.

"Excited ka ba, Binibining Gold?"

"Hindi ako sigurado." Ang tibok ng aking puso ay sumasabay sa smooth metallic sound ng elevator habang bumababa ito.

"May experience ka na ba sa mga weapons?"

"Wala. Hindi ko kayang humawak ng baril. Hindi ko kayang humawak ng kutsilyo para pumatay ng tao," tugon ko sa aking malumanay na boses.

"Well, you should be prepared kasi people around here, once na they master a weapon, they will use that para pumatay at maka-survive sa race."

"I can survive without killing people."

"We don't know, Binibining Gold. In times of survival, there's a chance na makapatay ka nga ng kapwa mo tao in order to live. That's human instinct."

Napabuga na lang ako ng mainit na hangin galing sa aking ilong at bahagyang itinungo ang aking ulo. Mas lalong kumabog ang aking puso na nakakulong sa aking dibdib. Nais nitong lumabas para wala nang kabang maramdaman. Sinapo ko ito gamit ang aking palad at huminga nang malalim.

"We must always be ready, Binibining Gold. We entered this training camp kaya we must forgot our morals for some time. We need to focus here to save ourselves, our family, friends, and our city."

Huminto na ang elevator matapos magsalita ni Jens sa akin. Bahagya na lamang akong tumango saka itinaas muli ang tingin.

Nahahati na sa gitna ang pinto ng elavator at ang liwanag mula sa labas ay sinasakop ang loob nito. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa aking tiyan at bahagyang nasabik.

Ano kaya ang hitsura ng Underground?

Nang tuluyan na iyong bumukas, bumati sa aking mata ang mga kakaibang kagamitang hindi ko maipaliwanag. Mabagal ang paglabas namin mula rito sa elevator. Nakanganga rin ang aking bibig habang pinagmamasdan ang tanawin.

Kulay silver lahat ng dingding at ang tingkad. Napakataas din ng kisame kaya sa hinuha ko, napakalalim talaga nito. May mga iba't ibang gamit akong natatanaw na tila mga obstacle course. May mga hagdan pa akong nakikita.

May mga kwarto namang nakadikit sa dingding ng Underground at lahat iyon ay may salamin na pader kaya kitang-kita ko ang nasa loob niyon. Malalaki ang bawat kuwarto na may lamang kung ano-anong abubot na sa palagay ko ay mga weapon. May pana pa akong nakita sa isa sa mga kuwartong nandirito.

Bumukas na rin ang isa pang elevator at nagsilabasan na rin ang ilang mga trainees doon. Sa wakas, nasulyapan ko na rin si Selin. Akala ko nawala na siya. Kasabay ng batch na iyon si Miss Idda na naglakad na papunta sa amin para tipunin kaming lahat.

Nang makarating na siya rito, nagsama-sama na ang buong trainees.

"Welcome to Underground. This is the place where you are going to master your chosen weapon. This morning, you need to familiarize your chosen weapon. Kung may experience na kayo sa mga weapon na nakahanda rito sa Underground, I advice na manatili kayo roon. Each glass rooms here have weapons. Mananatili kayo sa mga glass rooms na ito habang tini-train ang inyong napiling weapon. Mayro'n lamang kayong 30 minutes para pumili ng glass room. After lunch, we will have an evaluation. And, only 25 trainees will remain." Ipinagdaop ni Miss Idda ang kaniyang mga palad. "Level three starts now. Good luck trainees."

Let's RaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon