Chapter 12
Morning Talk
***
Kumalembang ang isang napakalakas na ingay mula sa labas ng aming kwarto. Parang tunog iyon ng isang sirena ng pulis pero may mga kakaiba pa silang idinagdag para lang magising ang diwa naming lahat.
Papungas-pungas akong bumangon habang nakalukot ang aking mukha.
"Trainees, please prepare!" sigaw ng tao sa labas. Parang naka-megaphone pa yata ang isang 'yon. Hindi iyon boses ni Miss Idda kaya baka nagsilabasan na rin ang ilan pang mga tauhan o employees dito sa training camp.
Napaupo ako sa aking kama at inilipat ang tingin kay Selin.
Singkit pa ang aking mga mata habang tinititigan ang babaeng yamot na yamot dahil sa kaganapan. Same, girl!
"In each of your rooms, a television will appear. To find out about your interview schedule today, you must keep an eye out and look for your names. Breakfast has also been prepared. Thank you for your time, and have a nice day."
Tiningnan ko naman ang oras sa aking cellphone.
6:05 AM.
Napakaaga naman pala!
Hindi ba puwedeng alas siyete kami magising?
Hay.
Napahalukipkip na lamang ako at bumagsak ang aking pisngi. Mukha na siguro akong bulldog na bruha. Well, hindi naman madaling magulo ang aking buhok dahil tuwid ito. Pero kahit na! Gusto ko pang matulog.
Umupo na rin si Selin at nagpunas-punas ng muta. "May TV raw na lalabas?" taka niyang tanong.
Tumango ako. "Oo. 'Yon ang sabi no'ng babae."
"Ilang araw na ako rito at ngayon ko lang nalaman na may TV pala." Dama ko sa boses ni Selin ang pagkainis at pagkadismaya.
Nagulat at napatalon ang aking mga selyula nang biglang may umusok sa dingding sa tapat ng aming mga kama. Wala namang amoy ito pero tila nagiging hamog na ang aming kwarto.
"What the fuck is happening?' walang emosyong bigkas ni Selin. Hanga na talaga ako sa babaeng ito dahil minsan kaya niyang lagyan ng neutral emotion ang kanyang boses. Pero . . . what the fuck is happening nga!
Nakarinig na lang ako ng isang metallic sound na parang nahahati at naghihiwalay. Hinanap ko ang tunog na iyon hanggang sa may naaninag akong liwanag mula roon sa harap namin. Hindi ko nga lang makita kung ano nga ba talaga iyon dahil sa usok na tumataklob dito.
Nakita kong tumayo na si Selin at pinapaypayan ang buong paligid. Binuksan pa niya ang bintana sa gilid para makalabas ang usok.
Nang kumaunti na ang usok, naibuka ko na lang ang aking bibig dahil sa aking nasaksihan.
"Woah," sambit ni Selin. "So ito ang TV na sinasabi nila ha. May pa-grand entrance pa," walang ganang komento niya.
Naglakad na rin siya pabalik sa kanyang kama at hinayaan lang na nakabukas ang bintana para tuluyang makatakas ang usok.
Natutok naman ang aking mata roon sa telebisyong lumitaw sa dingding. Naastigan lang ako sa nangyari kaya nakabuka pa rin ang aking bibig.
Parang ngang may naglakbay na kakaibang insekto sa aking balat kaya nagbigay ito ng kilabot pero nanabik din ako.
Bigla namang umilaw ang TV na iyon at sunud-sunod na pangalan na may orasan sa gilid nito at room number ang nagsilabasan.
"Ayan na ang mga schedule natin. Tingnan mo na ang pangalan mo, Nadine. 250 tayong lahat dito kaya mahirap hagilapin ang pangalan."
BINABASA MO ANG
Let's Race
FantasiNadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her and her city from extinction. ***** In the year 3000, overpopulation is the most pressing issue in ou...