Chapter 18
Level Two Results
***
"Ugh!" tahimik kong ungol dito sa likod dahil ang dami ko pang hindi nasasagutan. Swipe lang ako nang swipe sa mga tanong dahil hindi ko alam ang mga sagot sa mga tanong. Lalo na 'yong mga math questions. Bakit kailangan namin 'yong sagutan? Hindi naman yata kailangan ng algebra sa Camatayan Race na 'yon o kaya sa MMSR. Napasabunot na lamang ako sa aking sarili habang tinititigan ang mga tanong dito sa salamin na suot ko.
"2 minutes left. Finish or not, the device will turn off," anunsyo ng proctor namin sa harapan.
Aligaga ako sa pag-swipe sa ere. Para na siguro akong timang na kumakaway-kaway sa hangin dahil sa mabilis na paglipat-lipat ng mga tanong dito sa salamin.
Nakakainis naman kasi. Bakit ba may test na ganito? Hindi naman kailangan ng mga technical thinking sa competion na ito. Kailangan skilled sa bagay.
Swipe lang ako nang swipe at pindot lang nang pindot sa ere kahit hindi ako sigurado kung tama ba ang mga pinagsasasagot ko. Mangmang na kung mangmang pero sa tingin ko mas okay pa rin na may sagot ako sa mga nilaktawan kong tanong kaysa naman wala.
Habang nagsasagot, bigla namang nawala ang mga tanong na naka-display sa salamin. Napasinghap ako ng panandalian.
"Times up. You may now rest for a while. After dinner, Miss Idda will announce the qualified trainees for the next round. Good luck trainees."
Marahan kong tinatanggal ang aking salamin na nakanganga. Ngayong araw mismo malalaman?
Naglakbay ang isang hindi kaaya-ayang kiliti sa aking balat, dahilan upang magsitayuan ang aking balahibo. Naikuyom ko ang aking palad at naiipit ko na ang handle ng eye glasses na ito. Nanginig sa kaba ang aking braso at ang aking paghinga ay tila isang kabayong tumatakbo. Malaki ang tsansang mae-eliminate ako sa level na ito.
Napatingin ako sa puwesto ni Jens sa harapan. Nakalingon siya sa akin. Ang kaniyang mukha ay puno ng pag-aalala. Ang kaniyang mga mata ay tila nagbibigay sa akin ng kakaibang haplos upang ipanatag ang aking sarili.
"Please return the examination glasses here," utos pa ng proctor.
Napalunok na lamang ako ng isang bola ng laway bago tumayo.
***
"Feeling ko matatanggal na talaga ako," pagbasag ko sa katahimikang namumuo rito sa round table namin. Kumakain na kami ng dinner namin at anytime soon, ia-announce na kung sino ang makakapasok sa top 50 at mapapasama sa next level.
Naitiklop ko ang aking labi at dama ko ang matika nito galing sa pagkaing aking kinakain. Nagtitigan kami ni Selin at inilipat ko rin ang tingin kay Jens.
After ng exams, halos lahat ay nagsipuntahan dito sa cafeteria. May poster kasing nakapaskil sa labas ng mga examination rooms namin na dumeretso na kami rito sa cafeteria.
Kaya wala na kaming time para makapag-usap at habang kumakain, wala ring nagbitaw ng kung anumang salita mula sa aming tatlo.
Alam kong mayro'n pang initan itong dalawang 'to dahil sa pag-a-assume ni Selin na si Jens ang the chosen one. Pero nang umupo rito sa round table ang lalaki, walang giriang naganap.
Nagsalita muli ako pagkatapos uminom ng tubig upang mailunok ang hindi mapakaling nararamdaman.
"Kayo, kumusta exam ninyo? Ako kasi hirap na hirap."
Inangat ni Selin ang kaniyang baso saka uminom. Pinunasan pa niya ng table napkin ang bibig. "Yep. Hindi ko in-expect na gano'n pala ang mga questions. Most of us here, hindi na nakapag-aral dahil mga may kaya na lang ang nakakakuha ng edukasyon, unlike us. Kung gano'n kahihirap ang tanong, sana pala nagdala ako ng mga libro ko."
BINABASA MO ANG
Let's Race
FantasyNadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her and her city from extinction. ***** In the year 3000, overpopulation is the most pressing issue in ou...