Chapter 17

406 25 7
                                    

Chapter 17

Level Two: Examinations

***

Nagising kami ni Selin ng maaga kaya nakakuha na rin kami ng almusal dito sa cafeteria. Halatang nabawasan ang bilang ng mga trainees na nandidito. Bakas din sa mga mukha ng iba na namumugto ang kanilang mga mata at nahihirapang idilat ang mga 'yon. Hinuha ko, nag-iyakan ang iba sa kani-kanilang rooms dahil aalis at na-eliminate na ang kanilang roommate.

"Ang O-OA," bungad ni Jens na umupo rito sa round table namin ni Selin. "May umiiyak do'n sa elevator kanina. Nairita ako. OA!" Tinusok niya ng tinidor ang itlog na nasa plato. Inangat niya ang tingin saka tumitig sa akin. "Mabuti na lang 'di ka eliminated, Binibining Gold."

"Sakto ngang top 100 ako. Mabuti na lang din, sumabit. Kumusta naman 'yong roommate mo? 'Di ba sabi mo kagabi, gusto mo na siyang mapaalis."

Inilagay naman ni Jens ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang ulo at mukhang bad trip ang isang ito. Humigop pa siya ng hangin sa kaniyang ilong.

"Hayun, pasado sa level two. Top 5 siya overall."

"Oh? Bali matalino 'yang roommate mo. Kaya ka pala nai-intimidate," sabi ko sabay taas-baba ng kilay at pinagtaasan siya ng labi.

"Wala akong paki. Gusto ko lang siyang mawala sa paningin ko dahil hindi ako maka-concentrate."

Bigla namang ibinaba ni Selin ang tinidor sa kaniyang plato at nakagawa iyon ng tunog kaya nailipat ko sa kaniya ang aking tingin.

"By the way, ano ranking mo?" seryoso niyang tanong kay Jens.

"One," walang gatol na sagot ni Jens.

Ibinaba at ipinatong ni Selin ang kaniyang palad sa mesa. "So ikaw?"

"Ako? Ang ano?" Parang wala lang kay Jens ang tanong ni Selin dahil patuloy pa rin siya sa pagkain ng kaniyang almusal. Ngumunguya-nguya pa siya sa harap namin ngayon.

Nakaramdam naman ako ng kakaibang hanging nagpatayo ng aking balahibo at tila may gumapang sa aking likod para kilabutan.

"The one. The chosen one." Inihilig pa ni Selin ang kaniyang ulo pakanan at bahagyang nagtaas ng kilay.

"Ah, 'yong napili ng mga interviewers na trainee? Eh, wala nga akong alam do'n. At saka, patuloy pa rin ang investigation kahit na may natanggal ng mga evaluators. Bakit ako ang sinisisi mo?" Nagpunas ng tissue sa bibig si Jens at uminom ng baso ng tubig.

Natahimik naman ako at pinapanood lang sila magtapunan ng salita sa ere.

"You ranked one sa ating first level. You are closed to the head of this training camp, si Miss Idda. You did something strange in our first days here. Naaalala mo ba 'yong nakipagsagutan ka ro'n sa isang lalaking trainee na naglabas ng apoy sa kamay? I don't know what happened, really, but I am pretty sure that you have a mystery na bumabalot sa katauhan mo, Mr. Jens Ermino," mahabang litanya ni Selin.

Tutok na tutok ang kaniyang mata kay Jens na tila lumamlam ang paningin pero seryoso ang umalingasaw na anyo na nagmumula sa kaniya.

"Sige," pagbitaw niya ng isang matipunong salita. "Haka-haka mo lang naman 'yan. Alam ko sa sarili ko na lumalaban ako ng patas para maging representative ng siyudad natin. At kung malaman ko lang din kung sino 'yong taong napili, ewan ko na lang. Baka masaktan ko pa siya. Kaya, 'wag mong ituro ang sisi sa akin dahil inosente ako."

Inatras na ni Jens ang kaniyang upuan at tumayo. Ibinaling pa niya ang tingin niya sa akin at nababakas doon ang pagkainis. Nagtitiim na rin ang kaniyang bagang.

Let's RaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon