Chapter 24
Level Four: Mini Race
Part 1
***
"Natapos na ang mga evaluation sa inyo kaya iaanunsyo na kung sino ang mga trainees na mapapasama sa top 25," ani Miss Idda sa itaas habang dinudungaw kami rito sa baba.
Nakatingala naman ako sa kaniya habang natitipon-tipon kaming lahat dito sa gitnang bahagi ng Underground. Kasama ko si Iman na nakahalukipkip ngayon habang pinagmamasdan si Miss Idda sa itaas.
Hinanap naman ng mata ko sina Jens at Selin ngunit 'di ko pa sila nahahagilap.
"Do you think pasado ka?" biglang tanong ni Iman kaya bumaling ang tingin ko sa kaniya.
May lumabas na puwersa ng hangin sa aking ilong at nag-isip muna ng isasagot. Sa totoo lang, maliit lang ang tsansa kong ma-qualify para sa susunod na level dahil sa tatlong pagtira ko kanina, isa lang ang naging matagumpay.
"Hindi," deretsa kong sagot.
"Kasi?" Bahagyang humarap ang kaniyang mukha sa akin habang patuloy sa paghalukipkip.
"Kasi obvious naman sa performance ko kanina."
"Nakita mo ba kung ano ang naging performance ng ibang trainees sa ibang glass room?"
Umiling ako. Nakikita ko naman dahil purong salamin lang ang bawat pader ng glass room pero nakatuon ang atensyon ko mismo sa pag-aaral ng tirador.
"Napanood mo ba kung ano ang ginawa nila?" tanong muli niya.
Umiling muli ako.
"So, don't lose hope. We don't know what really happened in each glass room. We were not there kaya believe in yourself. Magkikita pa tayo sa level four, Nadz."
Naglabas siya ng maalawalas na ngiti at ang kaniyang mata'y bahagyang pumikit. Heto na naman ang katawan kong nakakaramdam ng kiliti. He's cute pero . . . teka . . . tinawag ba niya kong Nadz?
Bahagyang namilog ang aking mga mata at ang puso ko ay biglang tumalon sa kakaibang galak.
"U-uhm, e-excuse m-me?" taka kong tanong.
"Hmm?" taas kilay niyang tanong. Mukha siyang inosenteng tuta.
"N-Nadz? A-Ako?"
"Yeah, Nadz. I usually gave nicknames sa mga taong nakakapagpangiti sa akin. Like you."
"Papaano n-naman kita napapangiti?"
"I don't know." Kibit-balikat niyang sagot. "I just felt it. I guess. Human emotions are unexplainable sometimes."
Bumalik na muli ang tingin niya kay Miss Idda sa itaas. Ako naman, parang isang naging mannequin na kabilang doon sa glass room namin kanina. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makaimik. Pero ang kaloob-looban ko, parang may nararamdamang masasayang tambulan na nagpaindayog sa aking sistema.
"Trainees . . ."
Nasira lamang ang pag-indak ng aking dibdib nang magsalita muli si Miss Idda.
Biglang dumilim ang buong paligid. Para akong pumikit pero dilat-dilat naman ang buo kong mata. Nagkaroon pa ng kaunting komosyon at bulung-bulungan sa paligid. Matapos din ang ilang saglit, may mga bumbilyang isa-isang nagsiilawan at isang malaking flat screen mula sa kisame ang bumababa. Gumagawa pa iyon ng isang robotic sound at smooth ito pakinggan.
Tumingala at doon ko itinapon ang aking mata. Bahagya akong kinilabutan at ang hangin ay minsanan na lamang akong dinadalaw. Patuloy pa rin ang bulungan ng ibang trainees dito.
BINABASA MO ANG
Let's Race
FantasyNadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her and her city from extinction. ***** In the year 3000, overpopulation is the most pressing issue in ou...