Chapter 16

386 21 4
                                    

Chapter 16

Level One Results

***

"Kumusta na raw? Wala na bang balita?" tanong sa akin ni Selin habang naka-Indian seat sa gitna ng kaniyang kama.

Umiling ako at inilapag ang aking puwet sa malambot kong kama.

Sinabi ko na rin sa kaniya kagabi 'yong nangyari. Siyempre, gulat na gulat ito. Hindi niya akalaing may nangyayaring dayaan. Pero okay na rin dahil nasesante na rin 'yong mga nag-interview sa akin at 'yong ibang sangkot sa isyu. Sana nga lang may mangyari sa imbestigasyong ginaganap ni Miss Idda.

"Kung mayro'n pala talagang gano'n, sa tingin mo kaya, makakapasok tayo?" tanong pa ni Selin kasabay nang paghiga sa kama. Narinig ko pa siyang bumuntonghinininga.

"Ako, hindi ko alam."

"Kasi ganito, the interviewers evaluated all of us na. And do you think that those people are just playing with our scores?"

"Sa tingin ko, oo. Base na rin sa nangyari kahapon, hindi nila sineryoso 'yong interview ko."

"Who do you think is that person?"

"Person?" Nangunot ang aking noo.

"'Yong trainee na napili na dapat nila."

Sinabi ko na ito kay Jens kahapon na siya ang feeling ko na napili na ng council dahil nga isa siyang Half. Isa lamang 'yong haka-haka ng aking isipan dahil hindi naman ako sigurado na siya na ba talaga ang niluluto. Pero hindi ko na ito sasabihin pa kay Selin dahil baka magtaka pa siya sa pagiging Half ni Jens.

"Wala. Wala akong idea kung sino," sagot ko sa tanong niya.

May namuo namang katahimikan ang tumawid sa tulay na namamagitan sa aming dalawa ni Selin. Nakahiga lang siya habang nakatulala sa kisame at ako naman ay nag-iisip ng kung ano-ano.

Makakapasa ba ako sa level one?

Maling tanong.

Nakapasa ba ako sa level one?

Hindi ko alam ang isasagot dahil hindi maganda ang pagtatagpo namin ng mga nag-interview sa akin kaya, malaki ang tsansang matanggal na ako.

Hindi ko rin alam kung may gagawin ba si Miss Idda sa mga evaluation ng mga interviewer dahil may katiyakan talagang nilaro-laro lang ng mga 'yon ang scoresheet ng mga trainees.

Habang malalim at payapang nag-iisip, umilaw ang flatscreen TV na nasa dingding kaya doon ko nailipat ang aking mata. Napabalikwas din ng bangon si Selin.

Binasa ko ng tahimik ang nakasulat dito.

Greetings, Trainees!

We're declaring that any phones and other devices used to communicate within and outside the training camp will be confiscated. Please remain in your rooms until the staff asks you to hand up your electronic devices.

Any trainee who disobeys this instruction will be expelled from the training camp completely and permanently.

Thank you very much.

Napatango na lang sa anunsiyong nabasa ko sa screen.

Ibinaling ko naman ang aking tingin kay Selin at bakas sa kaniyang mukha ang isang yamot na ngisi. Parang ngayon ko lang din siya nakita magpalit ng ekspresyon. Lagi na lang kasing walang emosyon.

"Dapat kinumpiska na nila ito no'ng dumating na tayo rito," walang gana niyang giit. Bumalik na muli siya sa pagkakahiga at tumagilid, nakatalikod sa akin.

Let's RaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon