Chapter 33
Bamsak
***
Dumating na ang araw kung kailan gaganapin ang MMSR. Wala namang nangyaring magarbo kagabi sa dinner pero buong gabi kong iniwasan 'yong Ronnel na 'yon. Tapos si Pio naman ang umiiwas sa akin. Ano na ba ang nangyayari sa akin? I need Jens. I need Iman. I need Selin. Sila ang magpapagaan sa loob ko ngayon. Madama ko lang ang presensya nila, parang nakalutang na ako sa ere't makakadama ng kasiyahan.
"So, 'yong kaibigan mo noon, 'di mo na kaibigan ngayon?" tanong ni Miss Idda rito sa hapag-kainan ng floor na ito. Nai-deliver na sa amin ang aming agahan kanina lang.
"Opo," sagot ko habang umiinom ng tsaa, pampakalma.
"Mahina ang kaniyang perspektibo tungkol sa pagkakaibigan. Pero may punto rin naman siya. Pumili ka na lamang ng mga taong pagkakatiwalaan mo habang nasa loob ka ng race."
"Paano naman po Miss Idda?"
"I saw you are talking to the handsomest Mr. Muntinlupa last night," nang-aasar na tono niyang sabi. Naglagay lang siya ng butter sa kaniyang tinapay saka kumurot para kainin.
"Ronnel po."
"Good. You know him na."
"Pero . . ." Naitungo ko ang aking ulo.
"Pero, what?"
"Parang 'di ko yata kayang makipagkilala pa sa kaniya. Nagkita na kami noon, Miss Idda. Pumunta siya sa barter exchange tapos binigay niya sa akin 'yong sumbrero—"
"Ha?" bulalas ni Miss Idda.
Napasandal na lang ako bigla sa upuan at lumapat ang aking puwetan na tila hindi na ito matatanggal.
"Siya ang nagbigay ng sumbrero?" paglilinaw niya.
Tumango na lamang ako bilang tugon.
"We need to meet him, now."
Nagmamadaling tumayo si Miss Idda at naglakad papasok sa kaniyang kuwarto upang makapagpalit. Nakapantulog lang kasi siya ngayon.
"Bakit po?"
"He's a Full. Taga-Alabang siya. Nakatira siya sa likod ng mga pader," makahulugan niyang sabi.
***
Hindi rin kami natuloy sa paghahanap kay Ronnel dahil wala na rin kaming natitirang oras. Isinuot ko na ang uniform na ibinigay sa amin kanina kasabay ng breakfast. Gaya sa training camp, kulay itim rin ito na may nakatatak na MMSR sa likod at ang syudad na nirerepresenta ko. Nang maisuot ko ang damit, awtomatikong nag-fit ito sa akin. Parehong-pareho talaga ito sa ginamit ko sa training camp. 'Di ko dama ang pagkalapat ng tela dahil komportabelng-komportable akong kumilos, miski tumalon pa ako'y walang mapupunit dito.
May nag-aabang din sa may elevator ng floor na 'to at ihahatid daw ako sa helicopter para makarating na ako sa isla.
"Hanggang dito na lang ako, Ms. Guinto," ani Miss Idda habang nakatayo sa harap ng elevator. NAkangiti siya sa akin pero ang kaniyang mga mata'y sumisigaw ng panlulumbay.
Sa totoo lang, kahit 'di ko masyadong naging malapit si Miss Idda, napamahal na rin siya sa akin. Bahagya akong ngumiti habang hinawakan na ng taga-hatid ang aking braso.
"Salamat po Miss Idda. Salamat po sa lahat. Kahit 'di tayo nagkakilala ng lubos kasi alam ko pong puno rin po kayo ng misteryo kaya nirespeto ko na lang po ang privacy po ninyo. Pero, sobrang salamat po sa lahat," pamamaaalam ko dahilan para mag-init ang gilid ng aking mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/294819585-288-k476513.jpg)
BINABASA MO ANG
Let's Race
FantasíaNadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her and her city from extinction. ***** In the year 3000, overpopulation is the most pressing issue in ou...