Chapter 34
Tumbang Preso
***
"Congratulations top 10!" bati ni Cangtiao sa malaking screen na matatagpuan dito sa sala.
Natapos na namin ang pagkain kanina kaya pinaakyat kami rito sa second floor ng mansiyon kung saan matatagpuan ang kumikinang at mababangong sofa. Malalaki pa ang bintana sa paligid kaya kitang-kita ang masasaganang puno sa labas.
"We will start the level two in a bit so just relax and enjoy your victory, racers."
Pumikit na ang screen kaya nagsialisan ang ibang racers dito sa sofa't naglibot-libot. Nakasandal lang ako habang nakatitig pa rin sa screen.
"Hindi ka titingin sa paligid?" tanong ni Ronnel na handa nang tumayo.
Umiling ako. "Mas gusto ko munang magpahinga." Nabaling ang tingin ko kay Pio na nakapasok din sa round na 'to. Nakatayo lang siya't naglalakad-lakad. Hindi na rin niya kasama 'yong babaeng nakita ko noon. Baka na-eliminate.
"You're looking at him," pagpitik ni Ronnel kaya nailipat ko sa kaniya ang tingin. "Sino ba siya?"
"Sino ka ba?" taas kilay kong tanong.
"Ronnel Verano."
"Tss."
"Pero, real question. Sino siya?"
Bumuntonghininga ako't hinayaang magpalamon sa malambot na sofa.
"Kaibigan. Matalik na kaibigan ko."
"And?"
"No'ng press conference, lumapit ako sa kaniya para kausapin siya then he just—"
"Pinalayo ka niya?"
"Yes," tumatangong ulong sagot ko.
"Did he explain why?"
"Sinabi niya lang na magkalaban na kami rito sa loob ng race kaya kalimutan na namin ang pagkakaibigan namin. I understand him. Ang goal na niya rito ay mailigtas ang sarili niya at ang kaniyang city."
Humalukipkip si Ronnel at malalim na sumandal sa sofa. Parehas na naming tinititigan ang screen sa harap na kitang-kita ang mga reflection ng mga racer na dumadaan sa likod naming at ang malaking bintanang tanaw ang gubat.
"Speaking of city, sa Pasay mo siya na kilala or . . ."
"No. Sa Taguig. Maliit pa lang kami magkakilala na kami pero nitong nagkaroon ng race para maisalba ang syudad at sarili natin sa mass killing, umalis na siya sa amin. Akala ko nga sa Taguig camp siya sasali pero hindi pala. Ngayon ko lang nalaman."
"Maybe he didn't want to compete with you in the first place."
"Pero bakit siya nandito? Bakit niya ako kakalabanin?"
"Maybe he thought you're not going to make it . . ."
"Hindi gan'yan si Pio. I know him."
"You don't know him," makahulugang pagtanggi ni Ronnel kaya napatingin ako sa gilid ng kaniyang mukha. Nakatutok pa rin siya sa patay na screen sa harap. "If you both know each other, he will not act like that. Magkaibigan ba talaga kayo?"
"Uhm . . ."
"See, 'di mo rin alam ang sagot."
"I mean, everyone naman may times na akala mo 'di mo talaga ang kilala—"
"No, Nadine. You don't know each other. I can sense your nerves. You are lying. Do you know that's he's also a Full, gaya ko?"
Saglit na tumigil ang paghinga ko. So totoo nga? May kapangyarihan nga talaga siya. So totoo rin ba 'yong nagtatrabaho ang tatay niya sa Alabang kaya napakaganda ng mga gamit niya sa loob ng mini-bus nila.
BINABASA MO ANG
Let's Race
FantasyNadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her and her city from extinction. ***** In the year 3000, overpopulation is the most pressing issue in ou...