Chapter 26
Level Four: Mini Race
Part 3
***
Matapos ang matinding drama kanina, umalis lahat ng mga eliminated kasama si Selin. Sinamahan sila ng ilang mga tauhan ni Miss Idda na naka-black suit at black glasses. Akong nasa likod, hindi pa rin mawala ang pagnganga ng aking labi.
Blangko na rin ang aking isipan. Walang pumapasok na kung ano dahil hindi ko na alam kung ano ang nangyayari.
Paanong nangyaring si Selin iyon?
Paano?
Nagsinungaling ba siya na wala na siyang pamilya? Na wala na siyang kaibigan? Ano ang totoo niyang pangalan? May posibilidad bang isa siyang Half kaya binayaran ng magulang niya ang halos lahat ng mga evaluator dito para sure spot na siya?
Napasabunot na lamang ako sa aking sarili dahil 'di ko na alam. Hindi ko na alam! Gusto kong sumigaw dahil gulung-gulo na ako.
Totoo nga pala talaga 'yong sinabi niya sa akin. Huwag akong magtiwala kahit kanino, kahit sa kaniya.
This training camp is full of crap! Nawiwindang na ako sa kaganapan.
Nang matapos ang short meeting, may mga kalalakihan na namang naka-black suit ang nagsidatingan at may mga dala-dalang sampayan na de-gulong. May mga damit doon na nakapaloob sa mga putting plastic kaya 'di ko masyadong makita kung ano ang itsura ng mga 'yon.
Iyan na yata ang mga uniforms na gagamitin namin mamaya sa maze. Pero 'di na ako nasabik kung ano pa ang magiging itsura ng magiging kasuotan namin dahil binobomba pa ng aking isipan kung ano ba talaga ang dahilan ni Selin.
Napapakamot na lamang ako ng ulo at napapahilamos ng mukha. Tahimik akong umiimpit dito sa puwesto ko. Buti na lang talaga at nasa likuran ako at 'di kapansin-pansin itong pinaggagagawa ko.
Tinakpan ko na lang ang aking mukha gamit ang aking palad. Parang gusto ko munang mapag-isa at dahil dito, parang sinasakop muna ako ng panandaliang kadiliman.
Pinapakiramdaman ko lang ang malamig na simoy rito sa conference hall na nagdudulot sa akin ng kapayapaan—kahit saglit lang. Kailangan kong mag-focus muli rito sa training at mamaya ko na isipin kung ano ang nangyari kay Selin.
Tatanggalin ko sana ang palad ko sa aking mukha nang marinig ko ang paggalaw ng upuan sa aking tabi, senyales na may umupo rito.
"She's Half," malamig at malalim na sabi mula sa boses na kilalang-kilala ko—si Jens. "Binalita sa akin ni Miss Idda kanina. We talked in her office regarding Selin's issue."
Marahan ko nang ibinaba ang palad ko at ipinatong sa kaharap na mahabang mesa.
"P-Paano?"
"She changed her name. Her dad came from Alabang, and obviously mayamang tao. According na rin sa investigation ni Miss Idda, mayroon daw betting na nangyayari sa loob ng Alabang. At ang itinaya ng Papa ni Selin ay ang sarili niyang anak para malaki ang tsansang mananalo siya. Once Selin becomes the representative, her dad will win lots of money. Basta, may nangyayaring kakaiba raw sa loob ng pader na iyon at hindi na niya sinabi pa kung ano 'yon."
"N-Nagsinungaling siya sa akin, sa atin," nangangatal kong sabi.
"People lies."
Maikli lang ang itinugon niya sa akin pero tila may isandaang malalaking bato ang dala-dala ng mensaheng iyon.
People lies. Pati ako, nagsisinungaling. Nagsisinungaling ako sa mga kapwa ko trainees dito na may kilala akong isang Half, ay mali, dalawa na pala sila. Gusto ko man ipagpaalam sa lahat na mayroong ganitong nabubuhay sa mundo, hindi puwede dahil mas lalong magkakagulo sa magulong mundong kinalalagyan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Let's Race
FantasyNadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her and her city from extinction. ***** In the year 3000, overpopulation is the most pressing issue in ou...