Chapter 29

323 18 11
                                    

Chapter 29

The Representative

***

Nagising na lamang ako sa isang wake-up call mula sa TV rito sa kuwarto ko. Papungay-pungay pa ang aking mga mata at malalim ang aking paghikab.

Nakalagay rin sa TV ang schedule para sa ngayong araw.

Good morning, trainees!

Here's our agenda for today. Please prepare.

8:00 AM – Breakfast

9:00 AM – Short meeting @Conference Hall

9:30 AM – Meeting with the councils @30th Floor Level Five Room

9:40 AM – Level Five Starts

12:00 PM – Lunch

1:00 PM – Announcement of ranks

2:00 PM – Pack-Up

Today is also our last day, trainees. I am so glad to meet you all and we are hoping to have a great representative for the Metro Manila Survival Race. You are all deserving but only one will be hailed as the Taguig Representative.

Good luck!

Bests,

Miss Idda

Nanatili ang mensahe sa screen ng ilang minuto hanggang sa pumikit na ang TV. Natutuwa ako at malungkot. Para bang may mga batong nababawasan sa aking dibdib pero mabigat pa rin ang pakiramdam. Kung tutuusin, napamahal na rin ako sa mga taong nandirito pati na rin sa mismong camp kaya mahirap isiping huling araw ko na rito. Masaya rin naman dahil papaano, tapos na ang paghihirap namin. Wala nang training pero sa hihiranging representative, dagdag kilo ng kaba ang kaniyang bubuhatin pagkatapos ng camp na ito.

Natigil lang ang pagmumuni-muni ko nang may kumatok sa pinto ng kuwarto. Umalis na ako sa kama't nagpunas muna ng muta. Inuunat-unat ko rin ang aking braso habang naglalakad papuntang pinto. Nang makarating na ako malapit sa pinto, awtomatiko itong nag-slide at nagpakita sa akin ang isang babaeng mayroong puting hairnet at puti ring unipormeng pang-chef. May kaliitan din siya, siguro hanggang dibdib ko lang. May tulak-tulak din siyang trolley cart na may mga pagkaing pang-umagahan.

"Good morning po," bati niya.

"Ah, ah, good morning din po," nagtataka't nahihiya kong sagot.

"Hindi na po open ang cafeteria today since nililigpit at inaayos na po ito."

"Bakit daw po?"

"Last day na po kasi kaya inutusan na lang po kami ng council na ihatid na lang po sa inyo ang pagkain po ninyo."

Napatango na lamang ako bilang tugon sa kaniyang mga tinuran. Huling araw na kaya nagliligpitan na ang lahat. Kaming lima na lang din ang natitira kaya parang wala na ring kuwenta ang napakalawak na cafeteria na iyon.

"Ipapasok ko na po ito ha," pagpapaalam ng babae.

"Sige po."

Gumilid muna ako sa tabi ng dingding habang pinapasok niya ang trolley cart na may dala-dalang pagkain. Ang halimuyak ng mga pagkain ay nagpatayo sa balahibo ng aking dila. May namuong kaunting mga laway sa loob ng aking bibig at nangulo ang aking tiyan. Nasapo ko pa ito.

Huminto ang babae sa mini table sa gilid ng aking higaan at doon inilapag ang plato ng mga pagkain. Hindi ko nga alam kung ano ang tawag sa mga 'yon dahil parang pagkaing pang-mayaman.

Let's RaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon