Chapter 35
Bente Uno
Last Chapter
***
"Salamat talaga, Ronnel," nahihiya kong banggit.
"Pang-ilan mo na 'ayn. Pupusta ako, babati ka na naman mamaya," natatawa naman niyang turan.
Kanina pa kasi ako pasalamat nang pasalamat sa kaniya dahil sa ginawa niya ro'n sa field. Kung wala 'yong mga signals niya, posible akong mawala na sa kompetisyon dito.
Narito na naman kami sa isang mansyon sa pagitan ng level two at ang huling level. Wala ring pinagkaiba ang mansyon na ito tulad sa nauna na naming napuntahan.
Natapos na rin namin ang pagkain namin kanina't dumidilim na rin ang kalangitan. Kaya ang hinuha ko, gaganapin ang huling level sa gabi. At ito pa ang kinakatakutan ko dahil nasa loob lang kami ng isla at walang ilaw rito. Tanging liwanag lamang sa buwan na minsan na nga lang sumilip dahil sa kapal ng polusyon sa langit.
"Ano kaya ang gagawin natin sa last level?" tanong ni Ronnel habang tinatanaw ang gubat ng isla. Nandito lang kami sa bintana't nakatayo. Umiilaw na rin dito ang mga chandelier na nakatiwangwang sa kisame.
Nagkibit-balikat ako dahil 'di ko rin alam. Si Cangtiao na ang nagsabi na misteryo ang bawat level.
"Pero wala ka bang napapansin, Nadine?" dagdag tanong niya.
"Saan?"
"Sa mga level."
Nagkunot ang aking noo. Ano ang puwede kong mapansin?
"Level one, bamsak. Level two, tumbang preso . . ." Humarap siya sa akin. "Level three will be another Pinoy game."
Naibilog ko ang aking labi't mahinang suminghap. Larong pinoy nga ang naganap sa level one at level two pero may posibilidad maging larong Pinoy rin ito sa last level?
"Pero anong larong Pinoy kaya?" Naibalik ni Ronnel ang tingin sa labas at bakas sa kaniyang mata ang malalim na pag-iisip.
"Sure ba?"
"Sure ako," taas noo niyag sagot. "Pattern na rin 'yon, Nadine. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak ni Cangtiao bakit ito ang klase ng mga level niya."
"Kasi bata siya," tipid kong sagot.
"May point ka rin. Siguro mga sing-edad lang natin si Cangtiao at . . ."
"'Di niya siguro na-experience maglaro noong bata pa talaga siya at hanggang ngayon," makahulugan kong sagot.
"May point din. Pero ang gusto kong alamin ay kung ano nga ba ang susunod na game."
"Kilala mo ba si Cangtiao?" tanong ko at tinanaw ang lumilipad na ibon sa may kalayuan.
"Hindi eh. Ngayon ko lang din siya nakita kaya wala akong alam kung ano ang background niya."
"Pero, kaya mo bang alamin kung ano ang pagkatao ng isang tao gamit ang kapangyarihan mo?"
"Kaya kong basahin ang current state nila kung kinakabahan, masaya, o nagsisinungaling pero hindi ko kaya alamin kung ano ang past ng isang tao. At saka, nasa isla tayo, paano ko padadalhan ng signals 'yon?"
Napatango-tango na lang ako. Pero kung tunay ngang series of Pinoy games ang konsepto ng race na ito, ano kaya ang dulo. May clue kaya? Kung may clue, saan naman kaya makikita?
Inalis ko ang paningin ko sa labas at nilibot ang mata ko sa paligid kung mayroon ba akong nakikita. Tumitingala pa ako sa kisame kung may something bang magpapakita at magbibigay sign na 'ang susunod na laro ay ito.' Pero wala.

BINABASA MO ANG
Let's Race
FantasíaNadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her and her city from extinction. ***** In the year 3000, overpopulation is the most pressing issue in ou...