Chapter 13

385 23 2
                                    

Chapter 13

Level One: The Interview

***

Lunch na kaya nandito na kami ni Selin sa cafeteria. Nakakuha na rin kami ng kanya-kanyang pagkain. Dahil kabado ako, hindi ako mapakali kaya isang tinapay na may jam lang ang kakainin ko ngayon. Ganito talaga ako kapag kinakabahan, parang hindi nagugutom.

"Nadine," pagtawag sa akin ni Selin na katabi ko rito sa round table. "Iyan lang talaga ang kakainin mo?"

"Ah, oo. Kinabahan na kasi ako." Ngumiti na lamang ako sa harap ni Selin. Tumango na lang siya at hindi na nagtanong pa. Sinimulan na rin niya ang pagkain niya ng tanghalian.

Nakatitig lang ako sa tinapay na nasa platito. Unang level pa lamang 'to pero sasabog na ang puso ko. Paano kung makapasa ako rito at maabot 'yong kinakatakutan kong level four?

Nanghihina ang aking katawan at nanginginig ang aking kalamnan. Abnormal na rin ang aking paghinga at kung ano-ano ang tumatakbo sa aking isipan.

Mariin kong ipinikit ang aking talukap at nadama ko ang bigat nito habang banayad na humihinga.

Dahan-dahan din ang pagbuka ng aking palad sa ibabaw ng mesa na ito.

Sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili para maging handa ako sa interview.

Bakit pa kasi out 250 trainess, pang-249 ako sa list ng i-interview-hin? Ang pangit ng pagroleta nila, ha. Hindi ko gusto. Buong araw akong kabado nito, eh.

Nagulat na lang ako kaya naimulat ko ang aking mata nang may humampas sa round table kung saan ako nakapuwesto.

Nang makita ko kung sino iyon, otomatikong nawala ang aking kaba pero inis naman ang nangibabaw. Nandyan na naman si Ermino Demonyo.

"Kumusta na kayo?" tanong niya. May dala-dala siyang isang plato sa kanyang kamay at inilapag iyon sa table namin. "Dito na ako kakain, ha."

"Wala ka bang kaibigan dito?" taas-kilay kong tanong.

"Ba't ang sungit mo sa akin?"

"Nalilimutan mo na yatang—"

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at umangat ang isa niyang kamay. Inilapit pa niya sa kanyang bibig ang kanyang hintuturo senyales para patahimikin ako.

Nauunawaan ko na ang kanyang ipinapahiwatig. Katabi ko nga pala si Selin ngayon at kapag malaman niyang naligo ako ng wala sa oras dahil sa kapangyarihan nitong si Jens, baka magtaka ito.

Naikwento ko nga pala kanina sa kanya, noong bumalik ako sa dorm namin, ang nangyari sa akin. Hindi naman siya nagtanong kung ano'ng nangyari sa akin dahil hindi naman palasalita itong si Selin (depende na lang sa sitwasyon). Pero ako, bilang medyo paranoid, ikinwento ko na lang na nalaglag ako sa fountain dahil tatanga-tanga akong naglakad.

Umubo-ubo na lang si Jens sa harap ko at siningkitan ako ng tingin.

"Mabulunan ka sana sa kakainin mo," paghihimutok ko. Napabuga pa ako ng isang hindi kaaya-ayang hangin mula sa aking ilong.

Dinakma ko na lang ang sandwich ko mula sa platito. Bumubungisngis pa itong demonyong 'to habang pinapanood akong nguyain ang pagkain ko.

"Kumusta pala 'yong interview mo?" singit na tanong ni Selin.

Oo nga pala. Nakalimutan kong tapos na pala sa interview si Jens.

"Madali lang naman. Gusto n'yo ba malaman kung ano 'yong mga tinanong sa 'kin?" nagtaas-baba ang kanyang kilay pagkatapos sabihin iyon. Parang may higad tuloy na gumapang sa itaas ng mata niya.

Let's RaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon