Chapter 19
Underground
***
Hindi kami sabay ni Selin bumaba papunta rito sa cafeteria upang mag-almusal. Parang umiiwas na nga rin siya dahil matapos ang announcement kagabi para alamin kung sino ang mapapabilang sa top 50, hindi man lang niya ako binati at natulog agad sa kaniyang kama. Hinayaan ko na lamang 'yon dahil akala ko matatapos ang mainit na ihip na hangin ngayong umaga, pero hindi.
Kakaunti na lang ang mga trainees na nandirito at nabibilang ko na silang lahat. Pangatlong level na at hindi ko pa nakikilala ang ibang trainees kaya ngayon na rin siguro ang panahon upang makipagkaibigan sa kanila.
Matapos akong kumuha ng pagkain, naghanap ako ng round table kung saan may nakaupo na para makisama sa kanila. Sakto namang may dalawang tao ang nakaupo sa may gawing kanan ng aking puwesto. Isang babae na may kayumangging buhok na nakapusod. Ang lalaki naman ay mababakas sa kaniyang noo ang isang tattoo na tila hugis mata. Parang third eye.
Umupo na ako sa libreng upuan. Paglapag ko ng plato sa round table, ipinihit agad nila ang kanilang ulo at walang emosyon akong tinitigan. Napalunok na lamang ako saka bahagyang ngumiti. Mahiyain ko pang ikinaway ang aking kamay sa kanilang harap.
"Puwede ba akong makiupo rito?"
Tumango ang babae kaya nagpasalamat na lang din ako.
Pagkaupo ko, agad akong nagpakilala sa aking natural at banayad na boses. Inilabas ko rin ang aking ngiti upang hindi sila matakot sa akin. Wala na akong paki kung awkward man itong ginagawa ko.
"Hi, ako si Nadine Guinto. Hindi kasi sumabay 'yong roommate ko ngayon eh, kaya ako lang muna. Baka mamaya pa siya kakain," paliwanag ko kahit na kinakain na ako ng hiya. Nag-uuntugan na rin ang aking ngipin kangingiti sa kanila.
"Nice to meet you. I'm Enz," pagpapakilala ng lalaking may matang tattoo sa noo.
"Ako naman si Enza."
Enz? Enza?
"K-Kambal kayo?" wala sa sarili kong bitaw ng tanong. Magkaparehas, halos, ang kanilang pangalan.
Sabay silang tumango bilang tugon.
"Bakit kayo sumali rito? Bakit dalawa kayo?"
"Mas malaki ang chances kung dalawa sa pamilya namin ang sumali para maging representative ng Taguig," sagot ni Enz.
"Takot kaming ma-wipe-out ang buong Taguig at takot kaming mamatay na lang aming pamilya kung ang magiging representative ng Taguig ay hindi kami."
"Yes," pagsang-ayon naman ni Enz sa sagot ng kaniyang kambal. "We believe na isa sa amin ang capable para maging representative. In fact, I was the top 11 in the level one and top 8 in level two. Ang kapatid ko naman ay top 19 sa level one at top 6 kahapon sa level two."
Unti-unting bumuka ang aking bibig sa paghanga. Magagaling nga mga 'to dahil matataas ang kanilang nakuhang marka sa mga nakaraang lebel. Mas magaling pa ang mga 'to kaysa kay Jens na isang half. Pero, half ba sila? Imposible. Sabi na sa akin ni Jens, iisang half lang ang allowed sa mga training camp. Pero paano nila nagawa 'yon? Paano sila naging gano'n kagaling?
"Oh, Nadine, mukhang gulat na gulat ka yata," pagpukaw sa akin ni Enz. Kinagat niya ang kaniyang egg sandwich at ibinalik muli sa plato. "Anong rank ba ang nakuha mo?"
"U-uhm . . ." Nanginig ang aking braso dahil baka pagtawanan ako ng mga 'to kapag nalaman nilang lagi na lang aking sabit. Kung ano-anong klase ng tawa ang nag-play sa utak ko kaya naipikit ko na lang ang mata ko. Huminga-hinga muna ako nang malalim upang dumaloy ang kalmadong espiritu sa aking dugo.

BINABASA MO ANG
Let's Race
FantasíaNadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her and her city from extinction. ***** In the year 3000, overpopulation is the most pressing issue in ou...