Chapter 9
Mysterious Guy
***
Natapos na nga ang almusal at narito na kami sa scullery room kung saan lahat ng mga hugasing plato, kutsara, baso, tinidor ay nakatambak.
Bahagya akong nalula sa dami ng mga huhugasin namin.
Nakasuot din kami ng isang itim na apron, hairnet at gloves para tiyak daw ang kalinisan ng bawat gamit dito.
Napabuntonghininga na lang ako.
"Magsimula na tayo," sabi ko.
"I'm ready, ano?" mayabang na banggit nitong si Jens saka naglakad papunta sa isang lababo.
Nakuyom ko ang aking palad. Makakalbo ko na talaga 'yang blonde mong buhok!
Pumunta na rin ako sa isa pang lababong matatagpuan sa isang sulok at nagsimula nang maghugas ng mga pinggan. Patong-patong ang bawat puting plato. Gano'n din ang mga mangkok at platito. Bakit ba kasi ang lalakas kumain ng iba, eh, umagahan pa lang?
Napakamot na lang ako sa aking batok. Kinumpiska rin ni Miss Idda ang sumbrero ko. Makukuha ko lang 'yon matapos ang araw na 'to dahil buong araw, kami ang naka-assign maghugas!
Paulit-ulit akong huminga nang malalim at papikit-pikit ng mata upang mapakalma ang aking sarili.
"Kung magmumunimuni ka pa d'yan, baka maabutan mo na 'yong mga plato pang-lunch!" natatawang sigaw ni Jens sa kabilang side ng kuwartong ito.
Urgh!
Puwede bang tigilan niya muna ako kahit ngayon lang?
"Maghugas ka na ng pinggan, Binibining Gold!"
Tila nagpanting ang tainga ko at nalukot ang mukha ko. Ano ang sabi ng Jens na 'yon? Binibining Gold! Yuck! Cringe!
"Manahimik ka na rin, Ermino Demonyo!" irap kong sigaw sabay marahas na binuksan ang gripo.
"Oh, baka masira mo pa 'yang gripo ha! Gawin ka niyang official dishwasher dito sa training camp." Ang kanyang halakhak ay umaalulong sa loob ng scullery room na ito. Tila naging sirang plaka iyon sa aking tainga.
Iniling ko na lang ang aking ulo at nag-focus sa mga gawain ko. Kumuha na ako ng mga plato para hugasan.
***
Natapos ang halos tatlumpung minuto, lagpas kalahati na ng plato ang nahugasan ko pero laking gulat ko na lang nang biglang tumawa ulit itong si Ermino Demonyo.
"Hindi ka pa tapos, Binibining Gold?"
Winisik-wisik ko muna ang basang gloves bago ako humarap sa kanya na nakatayo roon sa kanyang pwesto. Pinupunasan na niya ng towel iyong mga platong tapos na niyang hugasan.
"Puwede bang tigil-tigilan mo ang pagtawag mo sa 'kin ng Binibining Gold?" asik ko.
"Wews. Bad trip ka lang kasi 'di ka pa tapos. Puwede naman kitang tulungan d'yan ano."
Well, oo, wala ako sa mood dahil nagtataka ako sa sobrang bilis ng paghuhugas ng isang 'to. Parehas naman kami ng dami ng huhugasin at sanay na ako sa mga gan'to pero iba ang bilis niya.
Habang naghuhugas din ako kanina, nadidinig ko na parang may mga pag-alon ng gripong nagaganap doon sa lababo niya. Parang may whoosh-whoosh-whoosh. Kaya, sobrang weird.
Naparolyo na lang ako ng mata saka humalukipkip.
"Ano'ng ginawa mo't bakit sobrang bilis mo, Mr. Jens Ermino?"

BINABASA MO ANG
Let's Race
FantasyNadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her and her city from extinction. ***** In the year 3000, overpopulation is the most pressing issue in ou...