Chapter 21
Level Three: The Weapon Test
Part 2
***
Pagbitaw ko sa pindutan, walang estatwang natamaan. Nilingon ko si Iman na nakangiti sabay thumbs up sa akin. Inabot naman niya sa akin ang isang bola para ilagay sa bukana ng tirador.
Nagpasalamat ako saka bahagyang ngumiti. Napagaan ako nang pagngiti niya, eh.
"You can always try and practice."
Tumango ako.
Huminga ako nang malalim at itinutok muli ang tirador sa mga mannequin na nasa harap. Nakaderetso ang aking tingin sa bolang pamato at sa mga target. Hinigpitan ko na ang pagkakahawak sa handle hanggang sa madama ko na ang pagbaon ng aking daliri sa pindutan. Umikot na ang nakalutang na maliit na bola sa bukana ng tirador na aking hawak.
Habang padiin nang padiin at patagal nang patagal ang pagpindot ko sa buton, bumibilis din ang pag-ikot ng nakalutang na bola. Inihanda ko na ang aking sarili dahil anumang oras ay bibitawan ko na pindutang ito.
Inangat ko nang kaunti ang tirador. Ipinikit ko rin ang isa kong mata. Namili ako nang isang target para doon patamaan ang bolang ito.
Nang may mahanap na ako, ang daloy ng aking dugo'y naging abala na nagpadala sa akin ng kaba. Ang aking balahibo'y nagsitayuan na tila nabuhay sa kanilang mga hukay. Nag-unahan sa tibok ang aking mga pulso at ang aking paghinga ay bumibilis na. Umiinit na rin ang aking sentido na tila may makinang nag-o-overheat dito.
Ipinikit ko na ang aking mga mata saka humugot ng isang malalim na hininga.
Bitaw.
Umangat na ang daliring nakabaon sa pindutan ng handle. Nakapikit pa rin ang aking mga mata dahil ayaw kong malaman kung natamaan ba ang isang estatwang nakatayo roon sa may malayong harapan.
Tumahimik saglit.
Walang musika sa paligid na aking nadinig.
Ang mga butil ng aking pawis ay bumabagal at doon nakatuon ang aking isipan.
Ibubuka ko na sana ang aking talukap nang biglang dalawang palad ang pumatong sa aking magkabilang balikat at inalog-alog ako.
Doon ko na naimulat nang tuluyan ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang nagliliwanag na mukha ni Iman. Ang sarap niya lang titigan.
"Congrats, Nadine!"
"N-Natamaan ko?"
"Hindi."
Nangunot ang aking noo at ang ngiting unti-unti nang namumuo ay naglaho. Anong hindi tapos ganiyan siya maka-react?
"Pero dumaplis . . ." Inalis niya ang kaniyang sarili sa aking harapan at hinayag ang kaniyang braso.
Nakita ko naman ang paggalaw ng isang mannequin na aking target kanina. Nadaplisan ko nga dahil gumagalaw-galaw iyon. Masasayang hangin ang nagpasukan sa aking baga at tumingkayad ako dahil sa galak. Nabaling ko ang tingin kay Iman na may ngiti rin sa labi.
"Told you, kaya mo 'yon. Daplis is an achievement. You're doing great," aniya sabay thumbs up.
"T-Thank you," hiyang-boses na sabi ko. Nakadama na lang kasi ako ng hiya at bahagyang kilig sa aking dibdib. Naitungo ko pa ang aking ulo at itinago sa likod ang aking dalawang kamay.
"Cute mo," pagbanggit siya sabay labas ng isang maliit na tawa na nagpanigas naman sa akin.
***
BINABASA MO ANG
Let's Race
FantasyNadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her and her city from extinction. ***** In the year 3000, overpopulation is the most pressing issue in ou...