Special Chapter V

22K 788 56
                                    

• HER CONQUEROR •

AEICKEL

KASALUKUYAN akong naghahanda ng mga gagamitin kong patalim at baril para sa training at seminar, pero ang lalaking ito, kulang na lang ay hindi ako lubayan sa pangungulit.

"Nigel, isa..." banta ko at mas humigpit pa ang pagkakayapos niya sa baywang ko.

"No. Have a date with me first and I will let you attend your seminar," sagot niya sa akin kaya gusto ko na talagang pilipitin ang mga braso niya sa mga oras na ito.

Tito Loard informed me that Mr. Valenciano Amagozo—the most influential and the greatest martial artist of all time—is our guest, and I couldn't contain my excitement. But this husband of mine wanted me to have a date with him over Mr. Amagozo. Parang gusto ko na lang talagang manakit bigla sa pinagsasasabi at pinaggagagawa niya.

Sinubukan kong humarap sa kaniya pero wala. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakakapit sa akin na kulang na lang ay i-lock niya ako hanggang sa kaloob-looban niya.

"Nigel, hindi madaling magpa-appointment kay Mr. Amagozo. I want to learn from him. I want to learn from the best and the expert—"

"Expert din naman ako sa pinakagusto mong bagay. Don't you want to learn from me, too? Mas marami akong alam na alam kong gusto mo rin. Do you want an extension of our honeymoon scene—"

"NIGEL IÑIGO RICAFORT!" putol ko sa kaniya dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang pagragasa ng hiya at init sa mukha ko.

Alam na alam niya kung paano ako hihiyain, masunod lang ang gusto niya.

Imbes na pakawalan ako ay tinawanan lamang niya ako nang malakas na para bang sinasabi niya na nagtagumpay na naman siya kumpara sa akin.

Totoong napipikon na ako kaya't mabilis kong kinuha ang dalawang braso niya saka ito kinalas sa baywang ko. Naramdaman ko ang gulat niya sa pamumuwersa ko pero wala akong pakialam. Iniinis niya ako kung kailan mayroon akong mahalagang lakad!

Mabilis ko siyang itinulak pahiga sa kama saka ako kumubabaw sa kaniya. Kinuyom ko ang magkabilang pupulsuhan niya saka ko itinaas ang mga iyon sa magkabilang gilid ng ulo niya.

Tinitigan ko siya nang mariin sa mga mata bago ako nagsalita. "Stop teasing me, Nigel—"

"I am not teasing you," seryoso niyang putol sa akin. "I am really craving for your attention right now." At sa isang iglap ay napagpalit na niya ang mga puwesto namin. Ako na ngayon ang nasa ilalim niya at siya na ang nakahawak sa mga pupulsuhan ko na nasa magkabilang gilid ng ulo ko.

"What are you doing?" malamig na turan ko ngunit sinagot lamang niya akong muli ng

seryosong tingin. "I am asking you. What the actual fuck are you doing, Nigel—"

"Why am I falling for you more and more and more each day, Aeickel? Why are you doing this to me? What did you do in the past to make me fall for you this hard? Minus Lev, Lez, and Lex, mahal na mahal pa rin kita...mas lumalala pa," mahabang turan niya sa seryosong tono. Hindi ko masabayan ang inaakto niya. Kanina lang ay nang-aasar, tapos ngayon ay sobrang seryoso na niya.

There is a valid reason why I fell for you so damn hard, too, Nigel.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko saka ko sinabayan ang diin ng titig niya sa akin. "I did nothing to you, Nigel, even in the past. Kusa kang nahulog sa akin, kusa mo 'kong minahal, kusa kang sumuko sa akin. You were the most unpredictable man I've ever met, but the thing I've always like about you is..." Sinadya kong bitinin ang sinasabi ko dahil gusto kong malaman ang reaksyon niya.

Nakita kong nangunot ang noo niya na wari bang hinihintay ang kasunod kong sasabihin.

"What is it?"

"Say you love me first," sagot ko sa kaniya saka ako ngumisi.

Lalong kumunot ang noo niya saka ako pinaningkitan ng mga mata. "What is it, wife?

What do you like about me the most?" pangungulit niya.

"Say you love me first, Nigel, and I'll tell you about it," muli kong sagot.

Nakita ko siyang bumuntonghininga at nawala na ang pangungunot ng noo niya. Nakatitig na siya ngayon deretso sa mga mata ko. "I love you, Aeickel Lavria. I always do. I always will," seryso niyang anas sa akin.

Ang ngisi ko ay unti-unting naging ngiti. Ngiti na madalas kong ipagdamot sa iba pero madalas kong ipakita sa kaniya. Ngiti ko na nagiging tunay kapag siya na ang kaharap ko.

"That's what I like the most about you, Nigel. You are always sure about your love towards me. I never doubted your love, not even a single second. I always trust the way you love and cherish me. Mahal mo 'ko kahit na gaano ako hindi sigurado sa sarili ko. Mahal mo 'ko kahit hindi ako sigurado sa pagmamahal ko sa 'yo. You always loved me...you never asked for something I couldn't give...you were always contented with what I could only give and offer you. That's it. I've always like that most about you...iyong lagi mo 'kong mahal, sa kahit na anong sitwasyon, sa kahit na anong pagkakataon."

Nakita kong unti-unti niyang ibinaba ang mga labi niya patungo sa noo ko hanggang sa tuluyan na ngang dumampi iyon. Ang pagdampi niyon ay napakagaan na para bang idinuduyan ako ng pagmamahal niya at respeto.

Bumaba ang mga labi niya buhat sa noo ko, pababa sa leeg ko. Ibinaon niya roon ang mukha niya saka ko naramdaman ang mainit niyang hininga.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa mga oras na 'to. Hearing those words coming out of your lips could be a painless death. Sobrang sarap sa pakiramdam. It was like hearing an angel confess," bulong niya sa akin.

Pinagapang ko ang kaliwang kamay ko pahaplos sa buhok niya at mas ibinaon ko pa siya sa leeg ko. "I never regretted surrendering my whole being to you, Nigel. Thank you for conquering my life...thank you for driving me this crazy. I love you...my conqueror." I didn't hear a word from him; instead, I felt his heavy breathing in my neck. He has fallen asleep.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

**

There are FIVE more special chapters to go, and that will be NIGEL IÑIGO's POV.
Post ko po ito mamayang gabi ulit. 😊

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon