Seven

90.4K 3.3K 867
                                    

Aeickel's P.O.V

"I must be insane for falling inlove with you Aeickel Van Lou. Yes, I fell inlove with you! Now tell me, is it normal for a man to fall for its same sex? Normal pa ba ako? Normal pa ba na sobrang tindi 'tong nararamdaman ko sa'yo?"

Natulala ako sa mga salitang narinig ko. Halos hindi makuhang maabsorb ito ng utak ko. Tila ako nabibingi sa mga salitang binitiwan niya. Tipong, para itong mga bomba na hindi ko alam kung paano defuse.

"A--Are you insane?" Ito ang mga tanging salita na lumabas sa labi ko.

"YES! I THINK I AM, MAN! I REALLY THINK, I AM!" Ang bigat ng bawat paghinga niya sa mga katagang kabibigkas niya lamang.

"You're just fucking confuse, Nigel. Stop this insanity!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.

Hindi siya sumagot agad, sa halip ay inilagay niya ang isa niya pang kamay sa isa ko pang balikat. "I've been keeping this feeling to myself for no one knows how long." Tila hirap na hirap siyang aminin iyon sa sarili niya.

Inalis ko ang mga kamay niyang nasa mga balikat ko at humakbang patalikod. "I thought you're still inlove with your ex--- so how?"

"I don't know, I don't freaking know. I don't have any idea. Kung iyan ang iniisip mo, iyan din ang iniisip ko. Trust me. I really thought that it is still her all this while, but the moment I saw you flirt with someone, I feel like I am reaching my boiling point. I feel like I wanna drag you away from everyone. I wanna have you all by myself." Napahawak siya sa ulo niya at napayuko matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.

"Trust me you're just confuse. How can you fall in love with me? You're just confuse, Nigel. Just too fucking confuse."

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng mapait. "Ganoon ba ako kahirap paniwalaan?"

"No. Alam ko lang na confuse ka lang sa ngayon dahil lagi mo akong kasama--"

"BULLSHIT!" Hindi niya pinatapos ang sinasabi ko. "Laging kasama? I've been with Royze, Iro and Aljin all these years but I never fell inlove with them. I never felt this romantic feeling. Don't tell me what to feel Aeickel, kasi ako lang ang nakakaalam at nakararamdam nito."

"I'm not asking you not to fall inlove with me, Nigel. I'm asking you to clear your feelings. Hindi ako isang taong pwedeng gustohin mo nalang bigla dahil gusto mo lang. Be sure of yourself." Saka ko na siya tinalikuran at pumasok sa loob ng bahay.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Oo, galit ang mga binitawan kong salita sa kanya, ngunit hindi iyon ang nararamdaman ko. Tila ba ako nagagalak sa narinig ko, ngunit nakararamdam din ako ng takot at pangamba na baka naguguluhan lang siya.

"I heard everything." Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko si Queen na nakangiti sa akin.

"Eavesdropper?" Iritado kong sabi ngunit hindi ko pinahalata. Lumapit siya sa akin saka hinatak ang kamay ko. "Where are we going?"

"In my room." Wala na akong nagawa nang dalhin niya ako sa silid niya. "Remove your clothes."

Halos mapatanga ako sa narinig kong iyon. "You don't have any rights."

Bigla niyang sinunggaban ang damit na suot ko ngunit mabilis kong nahawakan ang kamay niya at ipinilipit ito.

"Ouch!" Mabilis ko naman siyang pinakawalan nang marinig ko ang pagdaing niya.

"Don't do that again." Wika ko sa kanya kasabay ng matalim na tingin.

"You're a woman." Tila ako natuod sa itinuran niyang iyon sa akin.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon