Eleven

88.2K 3.1K 321
                                    

Aeickel's P.O.V

"I am also territorial."

Hindi siya agad nakahuma sa ginawa ko, maging si Vanessa ay kitang kita kong nakaawang pa din ang labi.

"D--Did you just---" Putol-putol na wika ni Nigel.

"Oo, gusto mo bang ulitin ko?" Saka ko pa itinaas ang isang kilay ko. Hindi ko mawari kung anong klaseng pwersa ang sumasakop sa pagkatao ko ngayon at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa mga ninanais kong gawin, sabihin at iakto. This strange thing is slowly eating my flesh.

"HOW DARE YOU!?" Mukhang nawala na ang pagkabigla ni Vanessa dahil nakasigaw na ito sa akin.

Humarap ako sa kanya saka ngumisi ng nakakaloko na alam kong lalo niyang ikakapikon. "Yeah, how dare me."

Sinugod niya ako, at kung babasahin ang igagawi niya, halatang sasampalin niya ako kaya't inunahan ko na siya.

Napaliko ang mukha niya sa lakas ng sampal ko. She wouldn't want to receive the same slap she just had, kasi baka sa susunod humiwalay na ang ulo niya sa balikat niya. I am an agent, just a simple reminder.

"A--Anong ginawa mo sa'kin!?" Halatang halata sa boses niya ang panginginig sa galit sa akin.

"I slapped you. Gusto mo bang ulitin ko?" Saka ako akmang lalapit sa kanya ngunit bigla siyang napaurong.

"No one messes with Vanessa Vicente---"

"Oh no girl, I just did." I told her as I grinned.

"NIGEL!" Baling naman niya sa lalaking nasa likod ko na tila natuod na sa nangyayari. "Sinampal ako ng sekretaryo--"

"Sekretarya, Vanessa." Pagtatama pa ni Nigel sa kanya na ikinailing at ikinangisi ko pa lalo.

"You knew?" Tanong niya habang hawak ang pisngi niya na namaga yata sa lakas ng sampal ko. Lucky her, I chose to slap her instead of punching her.

"Yes," walang pag-aalinlangan na sagot naman ni Nigel dito.

"Don't tell me you like her?" Puno ng panunuya ang pahayag niyang iyon.

"Yes I do. Do I have to explain every bit to you?" Nigel replied confidently.

"Ganoon nalang iyon?" Saka pa siya lumakad papalapit kay Nigel at hinawakan ang braso ng huli. "Pagkatapos ng nangyari--"

"Walang nangyari Vanessa. You're a lunatic," saka pa tinapos ni Nigel ang braso niyang hawak ni Vanessa at biglang kinuha ang braso ko at inilapit ako sa kanya. "This woman is my everything, kung hindi mo tanggap iyon, the hell I care."

Napanganga si Vanessa sa sinabing iyon ni Nigel. "You're a freak, Nigel. Alam mong ako lang ang nakapagtyaga sa'yo. Even her twin sister couldn't stand your fucking flaw!" Sigaw nito kay Nigel na ikinakunot ng noo ko. I am trying to analyze her every word. There is something inside it. Something that I couldn't figure out as of the moment.

"Shut your mouth, Vanessa. One more word, I will ruin you. Believe me, I will." Hindi ko man gustohin ay tila nakakatakot ang salita ni Nigel na iyon.

"Your ultimate flaw will only bring her pain, Nigel. You knew that more than I do," pahayag nito na hindi man lamang nahintakutan.

"Leave," punong puno ng awtoridad na wila niya.

Umalis si Vanessa at hindi na nagsalita pa. Hindi ko nasundan ang pinag-uusapan nila ngunit alam kong may itinatago si Nigel na kailangan kong malaman kung ano.

"Lalabas na muna ako," pagpapaalam ko sa kanya.

"Where are you going?" Tanong niya. Nawala na ang maawtoridad niyang tinig na pumapailanlang kanina sa buong silid.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon