Four

99.1K 3.3K 355
                                    

Aeickel's P.O.V

Muntik na akong mapamura ng matindi sa ginawa niyang pagpasok sa tent. Nagpapasalamat ako at naka breast binder ako.

Matapos kong ilagay ang bandage ay hirap akong lumabas ng tent. Mabuti na lamang din at may muscle spray siyang dala na kahit papaano ay nakapagpagaan ng sakit na nararamdaman ko.

"Ano po bang kailangan niyo?" Tanong ko nang makalabas na ako ng tent.

"Itatanong ko lang sana kung kailangan mo ng agua oxinada dahil naiwan sa sasakyan." Sagot niya sa akin nang hindi man lamang ako nililingon. Sinigaan niya na pala ang kahoy at patuloy niya itong pinaliliyab.

Napapaisip ako sa hindi niya paglingon sa akin. Nalaman na kaya niya ang totoo? Hindi naman kaya pinaghihinalaan na niya ako?

"Sir, may gusto ka bang itanong bukod sa kasasabi mo lang?" Walang kagatol-gatol na anas ko sa kanya. Kailangan kong makita ang reaksyon niya.

Bumaling naman siya sa akin sa sinabi kong iyon ngunit mayroon siyang blankong ekspresyon. "I won't ask you anything." Sagot nito saka ako tinignan mula ulo hanggang paa. "Pero kung mayroon kang sasabihin, hindi iyon problema."

Tinignan ko lamang din siya sa blangko ding ekspresyon gaya ng ginawa niya. Napupuno ng iba't-ibang haka-haka ang utak ko dahil hirap na hirap akong basahin siya. Tila siya isang nakasaradong libro.

"Nakita mo ba?" Deretsong tanong ko.

"That you have a gunshot scar?" Deretso din niyang sagot sa akin. Hindi yon ang inaasahan kong itatanong niya. Ang inaasahan ko ay tatanungin niya kung bakit ako naka breast binder ngunit tila hindi iyon ang napansin niya.

"I got it when I was 18 years old." Pagsakay ko nalang sa kaalaman na meron siya.

Tumango tango siya sa akin saka muling ibinaling ang atensyon sa sinisigaang kahoy. "I don't care how you got that scar, but I don't want that to happen again while you're still working for me. As a band vocalist, I can't let anyone take advantage of me regarding nonsense issues."

Hindi ko siya sinagot, sa halip ay muli akong pumasok sa tent at nahiga. Hinanap ko pa ang komportableng pwesto na hindi mabibigatan ang nalamog kong balakang bago ako tuluyang dinalaw ng antok.

Ilang minuto lang siguro ang naging pag idlip ko nang makarinig ako ng mga kaluskos sa malapit. Napabangon ako ng mabilis. Muntik pa akong mapasigaw dahil nakalimutan ko na mayroon nga palang masakit sa akin.

Luminga ako sa paligid at nakita ko si Nigel na tulog na din sa tabi ko. Maingat akong lumabas ng tent upang alamin kung anong kaluskos ang naririnig ko.

Kahit na napakasakit ng balakang ko ay payuko ang naglakad. Inaalam ko kung saan nanggagaling ang kaluskos.

Napatingin ako sa isang malaking puno ng mahogany at nakita ko ang isang anino na nasisilawan ng liwanag ng bilog na buwan. Dahan-dahan akong lumapit dito.

Nang makalapit na ako ay bigla kong hinaklit ang taong nagtatago saka ko tinapatan ng balisong na kinuha ko sa sapatos ko.

"Who the fuck are you?" Matigas na tanong ko.

"Calm your motherfucking patience!" Pamilyar ang boses kaya't mabilis ko itong binitawan.

"Poison!" Halos hindi makapaniwalang saad ko.

"The ever gorgeous, Night." Sagot naman nito sa akin at nagflip hair pa mismo sa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito? I almost killed you for pete's sake!" Napahawak pa ako sa kilay ko dahil sa frustration na nararamdaman ko.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon