EPILOGUE

103K 3.1K 520
                                    

Aeickel's P.O.V

     

Nagising na lamang ako na nasa isa akong madilim na silid na animo pinamumugaran ng mga sindikato.

     

Naramdaman kong nakatali ang kamay pati paa ko at pinilit kong kalagin ito sa paraan na alam ko. Inaral namin sa Phyrric ang pag-alis ng mga ganitong pagkakatali. Nakakalipas na ang ilang minuto ngunit hindi ko pa rin ito natatanggal, at doon ko napagtanto ang sitwasyon na kinaroroonan ko.

       

It is the most complicated knot na sinukuan ko noong nag-aaral pa ako sa organisasyon. The only person who could tie and untie this kind of knot is no other than...

      

"Lola Cassandra, show yourself," malamig na wika ko.

       

Walong buwan na ang nakakalipas buhat nang makapanganak ako at ngayong araw na ito ang araw ng kasal ko.

        

"Alam ko naman na malalaman mong ako ito," saka siya lumabas mula sa pinagkukublian niya.

        

"What do you want? This is my wedding day---"

      

"Exactly," putol niya sa nais kong sabihin. "If you think that you are an exception, better think twice my dear Lavria. No one in this family will be exempted from my love test," saka pa ito ngumiti sa akin na animo masaya siya sa mga ginagawa niya.

      

"Ayaw mong maikasal ako? Ayaw mong magkaroon ako ng matiwasay na pamilya?" Mapanuyang turan ko sa kanya.

       

"Of course not. I want to challenge your husband kung gaano ka niya kakilala bilang ikaw," bigla akong kinabahan dahil natatakot din ako sa katotohanan na baka nga hindi pa ako lubusang nakikilala ni Nigel.

      

"You should've told me your plan para hindi mo na ako kinailangan pang kidnapin at talian---"

      

"Oh no, no, no my dear granddaughter. I knew how much you love your dearrest husband at hindi ka sasang-ayon na maghirap siya sa paghahanap sa'yo. You can fool even your parents, but definitely not me," napailing na lamang ako dahil alam kong may punto siya.

     

"So by what means are you going to challenge Nigel?" Usisa ko.

      

"I left a note that you left him, that you chose your career over your family, but inside that note is a clue that you are here with me. Kung kilala ka talaga niya, dapat alam niya kung paano ka mag-isip at paano ka magmahal. I want to know if he's trustworthy enough, na kahit kailan ay hindi niya pagdududahan ang klase ng pagmamahal na kaya mong ibigay sa kanya," madamdamin niyang turan.

      

"Are you having fun doing this to us? To your sons and granddaughters?" Tanong ko.

       

"No my dear. The only thing I like about this test is the assurance I get from your partners. Natitiyak ko sa mga klase ng mga pagsubok na ginagawa ko kung gaano niyo pinapahalagahan ang pagmamahal at pagtitiwala. Natitiyak ko na naipapaubaya ko kayo sa mga tamang tao na kahit anong mangyari ay hindi kayo bibitawan, at higit sa lahat natitiyak ko na mawala man ako sa inyo ay kung maranasan niyo mang masaktan, hindi gaya ng sakit na magpapamanhid sa inyong kaibuturan. I only want the best for my family, and I only want the best for you."

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon