Six

92.5K 3.4K 1K
                                    

Aeickel's P.O.V

Gabrielle knows. I think she's one of ate Leyvance's colleague. Kaya siguro ganoon ang mga ngiti niya nang ipakilala ako sa kanya ni Nigel.

"I gotta keep your secret, I think?" Saka pa siya kumamot sa baba niya at ngumiti sa akin.

Tinignan ko lang siya sa blangkong ekspresyon. "It's up to you. I don't care whether you tell him or not."

"Ohhh." Umakto pa itong tinatakpan ang mga labi. "I'm not the enemy, missy. I am actually a friend."

"I don't trust easily." Nginitian ko pa ito ng nakakaloko. "A friend today can be an enemy tomorrow."

"Okay. If that's what you believe." Saka pa ito tumango-tango. "But please, do take my advice. I saw how your eyes sparkle. I once had those sparkling eyes, but sadly, it can no longer be seen." Saka pa ito ngumiti ng mapait.

Tumango na lamang ako hudyat ng pag-sang ayon.

Natapos ang kanta ni Nigel at bumaba ito sa entablado. Lumakad ito palapit sa akin ng nakatingin mismo sa mga mata ko kaya't mabilis kong iniiwas ang mga mata ko.

"Did I sing awfully?" Tanong nito, ngunit hindi ko alam kung kay Gabby o sa akin.

"No! Of course not. You sang really, really, really good." The way Gabby said the word really alam kong may laman ito, at may pinatutungkulan. "Right, Mr. Lou?"

See? I told you.

Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng makahulugang tingin. "I heard his voice for about a hundred times."

"So you're no longer mesmerized?" Hindi ko alam ang isasagot ko sa itinanong niya.

Sa halip na sumagot ay tumayo ako at pinagpagan kunwari ang suot kong pantalon. "Hindi pa ba tayo babalik sa villa?"

Tinignan ako ni Gabby at ngumiti sa akin na animo nais niya akong tudyoin sa pag-iwas na ginawa ko sa tanong ni Nigel. "Don't you want here in my resort, Mr. Lou?"

"Of course I do. Maybe we can go back here some other time Ms. Elizalde."

"Why not stay?" Talagang sinusubukan niya ang pasensya at talas ng utak ko.

"I can stay here Ms. Elizalde, if that's what you want." Saka ko pa biglang hinaplos ang kamay ni Gabby na nasa ibabaw ng mesa.

Let us see Elizalde, kung sinong mananalo sa ating dalawa.

Babawiin na sana niya ang mga kamay niya na hinahaplos ko nang may gumawa na no'n para sa kanya. Of course, no other than Nigel. Lihim tuloy akong napangisi.

"Babalik na kami sa villa ni Haydes, Gab. See you when I see you." Saka niya ako biglang hinatak palayo ng lugar na iyon.

Nagpatianod lang ako sa paghatak niya. Wala din naman akong balak na gawin dahil ito naman ang gusto ko, ang mawala sa napaka awkward na sitwasyon na iyon at bumalik na sa villa nang hindi na kami nagpipilitan pa.

Bahagyang napa arko ang kilay ko nang iwasiwas niya ang kamay ko at pabagsak akong binitawan. "What the hell is wrong with you!?"

"What the hell is wrong with you?" Pagbabalik ko ng tanong niya sa akin.

"I told you not to flirt--"

"Sir, you're my boss and definitely, not my mother."

"Fuck!" Saka pa siya napahawak sa ulo niya na animo nagpipigil na suntukin ako. "You keep on hitting the shit in me, Aeickel. Gusto mo bang sisantehin kita?"

"Wala akong ginagawa sa'yo." Buong loob kong wika dito. Wala akong kahit na anong nararamdaman. Takot? Pangamba? WALA.

"You're hitting on my friend for fuck's sake!"

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon