Eighteen

75.9K 2.5K 214
                                    

Aeickel's P.O.V

"PAPA!"

Napatingin siya sa akin na animo wala siyang sinabing mali at wala siyang nagawang kasalanan. Mabilis akong lumingon kay Nigel at nagtama ang mga mata namin. Nakatingin na pala siya sa akin habang may ngiting nakasilay sa mga labi niya.

"Bakit? Totoo naman ah," matulis ang ngusong sagot ni Papa.

"Lexir, let Aeickel--"

"Ma, kung hindi inlove 'yang anak mo, baka hindi lang pagtawag sa cellphone ang ginawa sa'kin niyan. I know your daughter. She could have wrecked my neck for what I did," parang batang wika pa niya kay Mama.

"Pa, just please," saka muna ako bumuntong hininga. "Let me live the way I want to."

"You've been living on your own for way too long, baby. Can't Papa be your guide, just for this?" Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sincerity niya ngunit hindi ko iyon ipinakita.

"I know what I'm doing Pa, you built a very strong independent daughter. Trust me. I'll properly tell Nigel, when I fell inlove with him completely and not just because you told me."

Tumango-tango siya sa akin ngunit hindi sa paraang sobrang kumbinsido.

"Kutong lupa, hindi ako magbibigay ng ultimatum sa'yo. Hindi kita sasaktan kahit sakta mo pa ang anak ko, pero hindi ko kayang mangako sa parte niya," saka siya tumayo at hinawakan sa balikat si Nigel. "She can kill you anytime, if she wants to."

Pinaningkitan ko ng mata si Papa dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung kailan niya ba balak magseryoso. Malayong malayo ang ugali naming dalawa kaya't hindi ako vocal kay Papa, hindi gaya ni Leickel.

"Stop threatening your son-in-law." Pigil sa kanya ni Mama.

Padabog sanang aalis si Papa dahil sa kinagalitan nanaman siya ni Mama nang dumating bigla si Laeven.

"PAPALO! MAMALA!" Sigaw ng pamangkin ko at patakbo pang yumakap kina Mama at Papa.

"Apo kong mahal!" Sigaw naman pabalik ni Papa.

Naramdaman kong may pares ng matang nakatingin sa akin kaya't muli akong lumingon dito. "He's my nephew," wika ko sa mga mata niyang nagtatanong.

"Leickel's son?" Pabulong niyang turan.

"Yeah," hindi ko man gustong idepina ngunit nababanaag ko sa mga mata niya ang pagnanais para sa isang bata.

Tumayo ako at kinuha ang kamay niya. "Ma, Pa, babalik din po kami dito ni Nigel may pagdadalhan lang po muna ako sa kanya dito sa isla."

Mabilis naman pumayag ang mga magulang ko dahil nalilibang na sila sa apo nila. Si Nigel naman ay nagpatianod lang sa paghatak ko nang makasalubong namin sa bukana ng bahay sina Whynter at Leickel.

"Twin!" Gulat na wika nito.

"Mamaya na tayo mag-usap, pagbalik namin," saka ko na muling hinatak si Nigel kahit na balak pa sana kaming pigilan ni Lei.

"Saan ba tayo pupunta?" Wika niya habang nakasunod sa akin.

Huminto ako at humarap sa kanya. "Kanina hindi ka nagtatanong, you just saw my twin, you twist your thought. Still inlove?" Saka ko siya nginisian.

Tinawid niya ang pagitan namin at mabilis akong kinintalan ng halik sa labi. "Jealous wife?"

Imbes na patulan siya ay muli ko na lamang siyang hinatak paalis.






DINALA ko siya dito sa lugar kung saan itinuturing ko na isang sanktwaryo para sa akin.

"You own these?" Tukoy siya sa mga spy tools na narito na ako mismo ang nag imbento.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon