Twenty-eight

67.2K 2.2K 246
                                    

Aeickel's P.O.V

Lahat ng sakit na maaaring bumalatay sa mukha ni Nigel ay nakikita ko ngayon. Maging ako naman nang mapagtanto kong siya ang tinutukoy ni Poison ay halos hindi ko mapaniwalaan at pinilit kong humanap ng iba pang ebidensya na hindi magtuturo sa kanya ngunit nabigo ako.

"I can't believe it's you," mapait na turan ni Nigel sa mismong ama niya.

"It's been me all along son," nakangising wika nito. Nakamasid lang ako hindi dahil wala akong magawa upang makaalis, mayabang man pakinggan ngunit walang kwenta ang ginawang pagtatali na ito sa akin. Nais ko lang marinig ang mga sasabihin pa ni Harrold dahil may mga natirang palaisipan sa utak ko kung bakit niya ito ginagawa.

"Why are you doing this?" Ramdam ko ang poot ng bawat pagbitiw niya sa mga salita.

"Of course, all about money. Pinalaki kitang matalino, bakit parang lumaki ka yatang bobo?" Mapanuya nitong sagot.

"I'm your son for fuck's sake!" Bulalas ni Nigel rito at nagpilit na kumawala sa pagkakatali niya.

"Anak nga kita, ang tanong dito, minahal ba kita? Son, not all the time blood is thicker than water, sometimes money is way way thicker than any of them," at humalakhak pa ito ng nakakaloko. Nakita ko ang pagtagis ng panga ni Nigel sa narinig niya mula sa ama.

"I can't fucking believe your insanity. You're fucking obsess with money and it made you insane! Baliw ka na! Wala kang kwentang tao---"

Bigla siyang sinampal ni Harrold na nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. "TONTO! IKAW LANG ANG TANGA! MAS INUNA MO ANG PAGBABANDA KAYSA ANG PAGPAPAYAMAN KAYA'T HUWAG MO AKONG SUMBATAN!"

Ibinalik ni Nigel ang nanlilisik niyang tingin sa ama niya na nawala kanina nang sinampal siya nito. "I can give you all the money you want, just let me go with my wife. I don't need money, just let me have my family! Ibigay mo naman sa akin ang bagay na matagal niyong ipinagdamot," ramdam ko ang sakit. He already suffered from his broken family, and now his Dad wants him dead.

"Family? Bakit? Buntis na ba ang asawa mong hilaw? Gwapong gwapo pa naman ako sa Phyrric agent na iyan, babae pala, at asawa mo pa!" Humalakhak ito ng walang patna.

"Tapos ka na?" Nakangisi kong pagpukaw ng atensyon niya.

"May katapangan ang asawa mo Nigel," wika nito.

"Hindi lang ako matapang, mas mautak rin ako sa'yo," matapang na pahayag ko at tinapunan ko ito ng ngiting nakakaloko.

"WIFE! Don't provoke this old shit!" Sigaw sa akin ni Nigel.

"No son, let your brave wife speak for herself."

"Don't call me son, you're no longer my father!" Tinawanan lamang nito si Nigel.

"This is not just about the money and Nigel, Mr. Ricafort. Tell us the truth, stop romanticizing your words about money," wika ko rito na nakita kong ikinagulat niya.

"D--Don't be a clown. I'm not going to buy your cheap acting unlike what Freya and Scorpio did," wika niya ngunit alam kong may kaba ang iilan sa mga salitang binitiwan niya.

"Hindi ba't may kontrata kang nais ipapirma noon kay Nigel ngunit nagawa kong harangin," nakita ko ang pagkatuod niya. "The document was disguised as a very very very attractive business proposal but if you elaborate the meaning of the whole document, it will only give you rights about a certain island."

Tuluyan ng napamulagat ang mata niya sa itinuran ko.

"TONTA! PAKIALAMERA!" Nanggagalaiti ito sa pagsigaw niya sa akin ngunit ngumisi lamang ako. Si Nigel naman ay tila walang alam sa mga sinabi ko, dahil totoong hindi umabot sa kanya amg dokumento na iyon dahil simula pa lamang na mahawakan ko iyon ay iba na ang pakiramdam ko.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon