Thirty

76.8K 2.6K 1.2K
                                    

Aeickel's P.O.V


Naglalakad-lakad ako dito sa mall at pinag-iisipan ko kung papasok ba ako sa shop na iyon o hindi. Kanina pa nangangati ang mga paa ko, pero natatakot ako kay Nigel na mukhang balak ipasara ang shop.

Akmang lalakad na ako papasok nang pigilan niya ako sa braso. "You can't go in there, wife. I'm warning you," may pagbabanta sa tono niya na animo ano mang oras ay kalaladkarin niya ako paalis.

"I told you, hindi ako sanay ng---"

"But I don't want your boyish haircut! Napagkakamalan kang lalaki! That long curly hair perfectly suits you!"

Tama kayo ng nabasa, ayaw niya akong papasukin sa loob ng salon para magpa iksi ng buhok. Ayaw niyang ipabawas ko ang nakakairitang mahabang buhok na ito para hindi daw ako napagkakamalan na lalaki.

"Can't I be the one to decide about my hair? It's mine anyway---"

"And your mine, so I'll be the one to decide about what's mine," binigyan ko siya ng malamig na tingin sa itinuran niya kahit ang totoo ay parang tinambol ang puso ko sa pinagsasasabi niya.

"Kung ayaw mong hayaan ako then at the very least, let me tie this hair," saka ko akmang imemessy bun ang buhok ko ngunit pinigilan nanaman niya ako. "What now!?" Pigil na pigil ako sa iritasyon sa kanya.

"Magmumukha kang gwapong lalaki with a a bun kapag ginawa mo 'yan---"

"My god! Paano pa akong mapagkakamalang lalaki kung malaki pa sa anim na nilulon na pakwan ang tyan ko," ubos na ang pasensya na wika ko sa kanya at sa inis ko ay nginisian lamang niya ako.

"And I'm proud that I'm the one who planted that big watermelon. I'm such a good farmer," at sinundan pa niya ng nakakalokong ngiti. Talagang hinahamon niya ang pasensya ko na mas pinaikli ng pagbubuntis na ito.

Kung may nakakarinig na ibang tao sa amin ay iisipin na napakahalay ng bibig niya.

Akmang papalakad na ako paalis sa pagkainis sa kanya nang makaramdam ako ng masakit na masakit na paghilab ng tyan ko. Agad kong kinuha ang telepono ko upang tawagan ang mga pinsan at kapatid ko dahil alam kong sensyales na ito na manganganak na ako, idagdag pa na mukhang pumutok na ang panubigan ko dahil basa na ang pang ilalim ko. Alam kong wala na akong aasahan sa asawa ko na ngayon ay namumutla na dahil sa nakita niyang paghawak ko sa tyan ko at sa sakit sigurong bumabalatay sa mukha ko.

"Nigel, please don't faint. You have to help me first," mukhang naiintindihan niya naman ako ngunit alam kong wala na siya sa sarili niya. Hindi ko na makitang buhay ang mga mata niya. Nanginginig ang mga tuhod na nilapitan niya ako.

Hinawakan niya ako sa braso at inalalayan. "Medusa, darna, babaeng hinugot sa aking tadyang, babaeng tuod, amihan, alena, danaya, pirenang kontrabida, bathalumang ether, panatilihin niyo po akong gising parang awa niyo na," bulong niya na animo anumang oras ay papanawan na ng ulirat.

"D--Dalhin mo na ako sa sasakyan, Nigel." Hirap na wika ko at nagsimula kaming maglakad.

"Alamat ni Nigel, alamat ng pakwan, alamat ng uniqlo, alamat ng bench, alamat ng mango, alamat ng toy kingdom, alamat ng---"

"NIGEL!" Sigaw ko dahil muntik na kaming bumangga sa isang poste mabuti at nakabig niya ako palapit sa kanya. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil lahat na lamang ng madaanan naming store ay binibigyan niya ng alamat kaya't napagtitinginan na kami. "Shut your mouth please," may pagmamakaawa sa tono ko na mukhang nakuha niya naman dahil tumango siya kaya't binitawan ko amg bibig niya.

"Aeickel!" Halos mapausal ako ng panalangin nang makita ko sina ate Aiyie, ate Avrein, ate Vance at si Leickel na humahangos papunta sa akin.

Palagay ko ngayon ay ligtas na ako at nasa mabuti na akong mga kamay.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon