Twenty-one

71.6K 2.4K 96
                                    

Aeickel's P.O.V

Wala sa sariling nilisan ko ang lugar na iyon. Tila pagod na pagod ang isip ko at katawan ko sa nangyari.

This is the very first time I lost my closest colleague. It's a pain in my whole system. It's like a torture.

Nang makalabas ako ng building ay bumuhos ang napakalakas na ulan, ngunit hindi ako nag-abala na sumilong. Sa palagay ko ay nakikiisa sa akin ang langit sa pagluluksa ko sa pagkawala ni Stella.

Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Flame.

"We lost Poison," tanging mga salitang lumabas sa labi ko.

"W--What do you mean?" Ramdam ko ang gulat sa boses niya mula sa kabilang linya.

"You isolated her, and yet the traitor got her. We lost her. We fucking lost her in this battle," pinipigilan kong kumawala ang hikbi mula sa akin.

"Putang ina! Anong ibig mong sabihin!?" Natataranta ang tinig niya sa kabilang linya.

"She's dead. I failed to protect her. I prioritized my safety over her, and now she's gone," napakabigat para sa akin ng mga binibitawan kong salita.

"You went on a mission all by yourself!? Are you fucking insane!?"

"It's my fault that we lost her," huli kong tinuran bago ko pinatay ang tawag.

Gustong gusto kong sisihin ang sarili ko. Nagkamali ako ng kalkulasyon, at sa pagkakamali na iyon ay nasakripisyo ang buhay ni Poison. Napakasakit sa dibdib nito.

Lumakad lang ako ng lumakad hanggang sa hindi ko inaasahan kung saan ako dinala ng mga paa ko.

Narito ako ngayon sa harap ng condo ni Nigel. Kusang umangat ang kamay ko upang magdoor bell.

Tumutulo ang damit ko dahil sa pagkakabasa ko mula sa ulan ngunit tila wala akong nararamdaman ginaw.

Bumukas ang pinto at gulat na mukha ni Nigel ang bumungad sa akin.

"AEICKEL!" Mabilis niya akong hinatak papasok. "Anong nangyari?"

Nakatungo lang ako habang pinagmamasdan ang patak ng tubig na nagmumula sa buhok ko. Gusto kong sumabog sa sakit na nararamdaman ko.

"Wife, please talk to me," saka niya hinawakan ang baba ko at itinaas ito. "I hate to see you like this, please tell me what happened."

"I lost her," napakagat ako sa pang ilalim na labi ko dahil pinipigilan ko ang pagkawala ng isang hikbi. Nakakapanghina ang sakit na nararamdaman ko sa pagkamatay ni Poison.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon