Twenty-four

63.6K 2.2K 257
                                    

IBIBIGAY KO NA FOR THE 1ST TIME.

Nigel's P.O.V

Kanina pa ako hindi makapag focus sa pagpirma ng mga papeles sa harap ko. Tila ako nababalisa. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko at hindi ko maipaliwanag ang pagkabalisang bumabalot sa akin.

Mula ng matanggap ko sa sarili ko na mahal ko si Aeickel, napuno na ng pangamba ang puso ko. Una, sa kadahilanang inakala ko na isa siyang lalaki, ikalawa, ngayong nalaman ko ang tunay niyang trabaho. Tila bawat oras na kasama ko siya ay mahalaga. Naaalala ko pa noong araw na hindi ako mapakali dahil iba na ang paraan ng pagtingin ko sa kanya.

*****

"Oy 'tol! Tulala ka dyan?" Mabilis kong sinamaan ng tingin si Aljin na inaabala ako sa ginagawa kong pagtitig sa kanya. "Oh bakit?"

"Fuck off, ayaw ko ng kausap," wika ko sa kanya at nakita ko naman na napangiwi siya.

"Royze! Ikaw nga ang kumausap sa mainitin na ulo na 'to. Akala mo babaeng may regla!" Baling ni Aljin kay Royze. Lumapit naman sa akin ang huli ng nakangisi kaya't napakunot ang noo ko. Tila mapanuya ang mga ngisi niyang iyon na hindi ko nagugustuhan kung saan pumapatungkol.

"You're starting to fall," saka niya hinawakan ang balikat ko ngunit mabilis kong tinapos ang kamay niya.

"The fuck are you saying?"

"You can deny but it's not your forte to lie, brother. We grew up together, you can't fool me," wika niya sa akin saka naupo sa tabi ko.

Kumabog ang dibdib ko na tila may nakatumbok ng nararamdaman ko. "I must be fucking insane," iiling iling habang nakayukong turan ko kay Royze.

"It's love, not insanity. Bear in mind that feeling that way is a human nature," animo nagpapayong saad niya sa akin.

Hindi ako sumagot, sa halip ay tinitigan ko lang ang lalaking nag aayos ng mga gamit ko ngayon. Ang maiksi niyang buhok na bumagay sa bulto ng katawan niya, ang mata niyang animo nagtatago ng mga hindi maipaliwanag na emosyon, ang bawat kilos niya na tila may ayaw ipatuklas na kung ano man. He's so damn beautiful for me. I must be really fucking insane for falling for this guy.

Gustong gusto kong pigilan ang nararamdam ko. Gustong gusto kong tumigil dahil alam kong mali ito. Hindi ako dapat ganito. I'm a fucking straight guy for Pete's sake!

"I must be insane for falling inlove with you Aeickel Van Lou. Yes, I fell inlove with you! Now tell me, is it normal for a man to fall for its same sex? Normal pa ba ako? Normal pa ba na sobrang tindi 'tong nararamdaman ko sa'yo?"

Isang araw na hindi ko mapigilan ang selos sa babaeng lumapit sa kanya ay napaamin ako ng nararamdam ko. Tila kusa ng lalabas sa dibdib ko ang puso ko kung hindi ko pa sasabihin ang nararamdaman ko para sa kanya.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon