Special Chapter VII

20.5K 747 108
                                    

• HIS INSECURITIES •

NIGEL

JACEN told me he was going to resign for personal reasons and I allowed him. Who am I to control someone’s decision in life when I am not even sure with mine?

Today, I was hiring a new secretary, and I was slowly getting angry as time went on. These flirty women were everywhere. Couldn’t they just apply formally and without any hidden agenda?

I was about to burst in anger when a man suddenly entered my office. I didn’t know but this man emitted an unexplainable aura. Ang hirap ipaliwanag pero para bang palagay ang buo kong pagkatao sa kaniya pagpasok na pagpasok pa lamang niya.

“Good morning, Mr. Ricafort,” bati niya sa akin at nagtama ang mga mata namin.

Hindi ko mawari kung bakit, pero tila bumagal ang pag-inog ng mundo ko na huli kong naranasan noong unang beses na nagkita kami ni Leickel.

“Your name?” istriktong tanong ko na wari ba’y hindi ako apektado sa presensya niya, ngunit ang totoo ay tila may kung anong nagwawala sa sistema ko na hindi ko magawang maipaliwanag.

“Aeickel, sir,” sagot niya at matinding kabog ng dibdib ang naramdaman ko nang marinig ko ang pangalang binanggit niya.

“Aeickel? Aeickel—”

“Aeickel Van Lou, sir,” maagap niyang putol sa akin.

He was intimidating as hell, and I couldn’t grasp the thought of his superiority. Ang hirap niyang titigan dahil nakakaintimida siya pero ang sarap niyang titigan sa mga mata. Ang mga matang iyon ay pamilyar na mga mata...na noon ko pa hinahanap-hanap at sa kaniya ko lang nakita.

“Mr. Aeickel Van Lou, you’re hired. You can start tomorrow para sa evaluation sa ’yo ni Jacen. Makakaalis ka na,” sabi ko sa kaniya at nagkunwaring itinuon ang atensiyon ko sa laptop.

Sinadya kong hindi na lang siya interview-hin dahil ayaw kong mas matagal pa kaming magkausap o magkatitigan. Kilala ko ang sarili ko. Sa oras na hayaan ko ang sarili kong magpalamon sa mga mata niya, magkakaroon ako ng problema. Isa pa . . . hindi ako bakla.
 
  
AEICKEL’S presence didn’t help me move on. Sa tuwing natititigan ko siya—lalo na sa mga mata niya— ay lalo lang akong nababaon sa kung ano-anong isipin.

Hindi ko na minsan maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing makikita ko ang mga mata niya ay nami-miss ko si Leickel, pero ang gusto ko namang titigan ay si Aeickel Van. It was like I am wishing Aeickel to be a woman para magkaroon ako ng pagkakataon. It was like I want to see Aeickel as a woman having the same eyes.

Their names were almost the same, but as I tried investigating, they’re not related in any way. Magaling naman ang nakuha kong imbestigador pero wala itong gaanong nakalap na maayos at makatutulong na impormasyon. Nakapagtataka.

“Sir,” pukaw ni Agua sa atensiyon ko, isa sa mga bagong empleyado ko na nag-aasikaso ng stocks ng mga department store.

“Yes?”

Kumatok ba siya? Hindi ko man lang narinig dahil sa sobrang pag-iisip ko na naman kay Aeickel.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon