Special Chapter VI

20.6K 690 22
                                    

• HIS DILEMMA •

NIGEL

SHE was here beside me, but I couldn't feel the contentment. Para bang may hinahanap ako pero hindi ko makita at mahanap sa kaniya. I love her . . . I had fallen deeply in love with her eyes since we first met pero may kulang talaga. May mali pero hindi ko magawang matukoy.

"Saan mo ba gustong kumain?" masaya niyang tanong sa akin.

She was jolly, she was bubbly, and she was fun to be with. There were no dull moments with her, but I was not contented. Hindi ko alam kung sa akin ba may mali o sa kaniya.

Sandali kong inalis ang tingin sa daan at nilingon ko siya. I saw her innocent face again. Her face that I would want to stare at every day of my life since the first time I saw her but . . . not anymore. Parang sa bawat araw na dumaan sa buhay ko kasama siya, hindi ko maramdaman sa kaniya ang babaeng kinahulugan ko. Hindi ko makita ang mga matang hindi nagpatahimik sa akin at ang mga matang kinahuhumalingan ko. Nahihirapan ako.

"Anywhere, as long as you're happy, I'm all good," sagot ko sa kaniya at muli ko nang itinuon ang mga mata ko sa daan.

"Nigel, is there something wrong with us?" bigla niyang tanong sa akin. Mabuti na lamang ay naiwasan ko ang mapapreno.

"No, I'm just tired, Leickel. May problema sa ibang stocks," sagot ko na alam ko namang isang kasinungalingan lang.

I was not an asshole fucker enough to tell her out of nowhere that I was slowly losing the interest and spark. Pinipilit kong ipaintindi sa sarili ko na mahal ko siya, na siya ang gusto kong makasama, na siya lang ang gusto kong iharap sa altar. Pinipilit ko naman.

"I see. I'm sorry for asking," sagot niya sa akin at lumingon na sa kabilang bahagi ng bintana.

Nakaramdam ako ng guilt nang tila mapahiya siya kahit hindi ko naman intensiyong iparamdam sa kaniya ang bagay na iyon.

Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho at hindi ko na sinubukang magsalita pa dahil baka kung ano pa ang mapansin niya na hindi ko na mabigyan ng katuwiran.

Nakarating kami sa isang restaurant at kasalukuyan kaming umo-order nang bigla na lamang tumawag sa akin si Jacen, ang secretary ko.

"I'll just take this call, Lei," paalam ko kay Leickel na kasalukuyang nagba-browse sa menu.

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Okay, I'll just wait here," aniya at tumayo na ako para lumabas ng restaurant pansamantala.

Sinagot ko ang tawag ni Jacen, at hindi pa man ako nagsasalita ay nagsalita na ito. "Sir, are you still going to propose to her? If you were to ask me, don't do it if you're unsure and confused. Naaapektuhan po ang preparation namin sa pagdadalawang-isip n'yo."

It was like . . . I am the boss, but I am receiving the sermon from my secretary.

"I don't know, Jacen. I couldn't find a reason to go on, but I couldn't find a very valid reason to leave as well. Nahihirapan ako. It seems like I love her, but I don't. It seems that I want to fall more deeply in love with the thought of loving her, but . . . I couldn't," seryosong sagot ko.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Jacen sa kabilang linya bago pa ito muling nagsalita. "Sir, just cancel it and tell Ms. Freezell your own sentiments. Be open with her. Baka pareho palang ayaw n'yo na pero nagtitimbangan lang kayong dalawa," payo nito sa akin.

Hindi na ako sumagot pa at mabilis kong pinatay ang tawag.

Bumalik ako sa lamesa namin ni Leickel at nagdalawang-isip kung magsasalita ba ako o hindi. Kung sasabihin ko ba ang kasalukuyang tumatakbo sa isip ko o hindi.
"Lei, I have something to tell you-"

"Let's break up, Nigel. I don't love you . . . I never did," putol niya sa dapat na sasabihin ko.

"W-what do you mean?" hindi ko maiwasang tanong sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at sunod-sunod sa umiling bago nagsalita. "I never loved you. Well, I did, but it was just pure brotherly love. I do care about you, but I never actually fell for you. Wala akong ganoong naramdaman. I never saw a future with you. Hindi ko gustong saktan ka, pero iyon ang totoo," mahaba niyang paliwanag sa akin.

Natulala ako at hindi ko malaman ang iaakto sa narinig ko. May kirot sa dibdib ko na hindi ko mawari. May masakit pero hindi ko matukoy kung iyon bang pakikipaghiwalay ni Leickel sa akin ang dahilan, o ang katotohanang hindi ko na muling masisilayan pa ang mga matang iyon . . . ang mga mata na siyang nakapagpahulog sa akin.

"Are you serious?" I asked knowing that her answer would still be the same.

"Doon na rin naman ang punta natin, Nigel. Besides, I could never accept your secret. Ilang araw ko nang pinag-iisipan pero hindi ko talaga kaya. I could never accept that you're a sadist. I am glad you confessed before we even came to that point. Please don't be mad at me. I am just being honest with my feelings," turan niya sa akin kaya napangiti na lamang ako saka tumango sa kaniya.

"I understand," sabi ko at tumayo na mula sa kinauupuan ko. Inabot ko ang kamay ko sa kaniya at kinuha naman niya iyon.

I held her hand for the last time. I held her hand knowing that we needed to have our separate ways from now on. Alam ko ang kapalit ng pagpayag ko . . . alam ko kung saan patungo ito. May bigat sa loob ko, pero . . . para bang nakalaya na ako . . . parang bumitiw na ako nang tuluyan sa isang bagay na lubos na nagpapagulo sa akin.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

**

Nigel's name is pronounce as NAY-JEL. Umabot kayo rito nang hindi alam bigkasin name niya!? Hahaha.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon