Twenty-seven

70.1K 2.3K 758
                                    

Aeickel's P.O.V

Tinungo ko siya sa banyo at nakita kong walang humpay ang pagsuka niya na wala namang inilalabas.

Hinagod ko ang likod niya at inabot ko sa kanya ang baso ng tubig na kinuha ko bago tumungo rito.

Mabilis niya itong kinuha at ininom. "I---I'm sorry wife, these past few days I've been feeling sick," saad niya sa nanghihinang tono.

Inalalayan ko siya at dinala sa sala saka ko binuksan ang ilaw. "Are you okay now?" Tanong ko saka naupo sa tabi niya.

"Totoo bang nasa harap na kita?" Hindi makapaniwalang tanong niya nang malinaw niyang masilayan ang mukha ko.

"One more doubt and I'll be gone for real," nakita kong nahintakutan siya sa itinuran ko kaya't mabilis ko siyang niyakap. "I'm sorry, I'm just kidding."

Nakaramdam ako ng guilt sa nakita kong ekspresyon ng mukha niya. Tila siya natrauma sa pagkawala ko.

"I can't bear to lose you again," at niyakap niya ako ng mas mahigpit. "Hindi ko na kakayanin. Sa nakalipas na mga linggo para na akong tatakasan ng bait. I'm functional but not entirely functional. Kulang na kulang ako," bigla kong naramdaman ang pagyugyog ng balikat niya at ang pagkabasa ng balikat.

"I'm sorry for not telling you about my plans. I'm sorry for making you feel this way," saka ko siya marahang inilayo at tinignan siya sa mga mata niya na may mga naglalandas na luha. "You're being too emotional," nakangiti kong pagpapatuloy saka pinunasan ang luha niya.

"You're making me like this," saka pa tumaas ang kilay niya sa akin. I'm done. I think it is already starting even without him knowing.

"Pupunta tayo ng ospital bukas," rumehistro ang pagtatakha sa mukha niya sa narinig sa akin. "Kailangan mong magpa check up," dagdag ko.

"I'm fine, and I'm finally back to my sanity because you're now here," sagot niya sa akin.

"No, you're not. Trust me," saka ako ngumisi na ikinakunot ng noo niya.

"I said no!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw at padabog na pagtayo. "Marami kang kailangang ipaliwanag sa akin at hindi natin lilisanin ang building na ito na hindi ka nagpapaliwanag! I'm so tired of understanding your secretive personality Aeickel Lavria!"

Gusto kong mapasampal sa noo ko sa sudden outburst niya lalo na nang nailagay niya ang palad niya sa bibig niya na animo hindi niya sinasadya ang mga nasabi niya. How does this curse works? This Freezell thing is such a pain in the ass.

"Sit down!" Matigas na utos ko na agad naman niyang ikinatalima ng upo.

"I--I'm sorry," saka pa siya nag puppy eyes sa harap ko. I never thought that the ever migthy and short temepered Nigel Iñigo Ricafort would do this.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon