Five

90.5K 3.4K 435
                                    

Aeickel's P.O.V

Narating ko ang isa tila abandonadong pavilion sa tagong bahagi ng villa. Nilibot ko ang paningin ko at masasabi kong wala talagang katao-tao.

Naglakad ako patungo sa isang balon na puro lumot. Kung iinspeksyonin, tila ako nasa isang lugar na maaaring pagdausan ng mga taping. Maganda ang lugar, lalo na kung gusto mong makapag-isip at makahinga ng maayos mula sa magulong mundo. Hindi ko alam kung paano akong nadala ng mga paa ko dito.

Napayuko at napatago ako sa isang estatwa nang makarinig ako ng kaluskos, o mas tamang sabihin na mahihina at maiingat na yabag.

Pinakiramdaman ko kung saan ito nagmumula. Napalingon ako sa gawing kanan ko. Nakita ko na may lalaking nakasuot mg itim na mask ang bigla na lamang lumitaw. Mabuti na lamang at mabilis akong nakapagdako sa kabilang gilid.

Luminga-linga ito sa paligid na animo ba may hinahanap. Hindi nga ako nagkamali dahil lumapit ito sa isang lumang estatwang aso at iniangat iyon. Nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng kulay lilang kemikal sa isang maliit na boteng iniangat nito at isang silencer gun.

Humawak ito sa tenga niya na sa palagay ko ay may earpiece. "I got the chemical and the gun, Sir. Tell me what should I do next?" Pamilyar ang boses nito ngunit hindi ko maapuhap kung saan ko ba ito narinig.

Tumango lamang ito at mabilis na naglakad paalis. Pinaka isipan ko muna ang susunod kong hakbang bago ako kumilos.

Ini on ko ang relong suot ko at nilagay ko ito sa agent mode. Naglitawan sa mini map ang mga agent malalapit lang sa akin. Hindi lang pala si Flame at Poison ang narito. Nandito din si Tungsten, Pieces, at ang kambal na si Vega at Alistair. Mga agent sila na limang taon na sa organisasyon.

Pinindot ko ang agent alert sa relo upang matanggap nila ang mensahe ko na may kahina-hinala dito sa lugar.

Nilisan ko ang pavilion at tinungong muli ang social hall. Wala namang hindi magandang nangyayari sa mga oras na ito ngunit hindi ko maaaring luwagan nalang basta ang seguridad.

Nakita ko si Nigel sa bar counter ng social hall at tila naghihintay ng alak na itinitimpla para sa kanya.

"Sir." Wika ko dito nang makalapit na ako.

"Where have you been?" Bakas sa boses niya ang iritasyon kahit na pinipilit niyang maging kalmado.

"Nagpahangin lang." Sagot ko sa kanya na tila hindi niya nagustuhan dahil bigla niyang hinampas ang bar counter at tumayo.

By his action, he's a little tipsy. I knew him when it comes to alcohol tolerance.

"You're fucking my brain." Pinilit ko mang intindihin ang sinabi niya ay hindi ko ito maabot lalo na't bigla nalang niya akong tinalikuran at naglakad palayo.

Sinundan ko siya hindi dahil gusto ko, kung hindi dahil ayokong magkaroon ng tsansa ang magtatangka sa buhay niya, kung tama man ang kutob ko.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon