Twenty-two

71.2K 2.3K 155
                                    

Aeickel's P.O.V

Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin. Pagmulat ng mga mata ko ay mata ni Nigel na nakatitig sa akin ang nabungaran ko.

"Good morning, wife." Pagbati nito sa akin ng nakangiti.

"Morning," sagot ko saka bumangon para lang muling bumalik sa pagkakahiga.

Narinig ko ang tawa niyang nakakaloko. Nawala sa isip kong wala akong anumang saplot, at alam kong namumula na ngayon ang mukha ko.

"Gandang pa almusal naman po, misis." Sinagad niya pa talaga ako sa pang-aasar kaya't tinaliman ko siya ng tingin.

"Where are my clothes?" Tanong ko na mas lalong nagpangiti sa kanya kaya napakunot ang noo ko.

"I removed it at the bar counter, maybe they are still there," ayon na yata ang tuluyang nagpainit ng mukha ko kaya't nabato ko siya ng unan na nasa tabi.

"C--Can't you be fucking serious!?"

Sinalo niya ang unan saka ako tinawanan. "Wife, I'm serious here. Ikaw lang ang sineryoso ko ng ganito."

"Nigel!" Tumawa lang siya ng tumawa hanggang sa nagdesisyon siyang bumangon.

Mabilis akong napatalukbong ng kumot dahil naglakad siya sa harap ko ng walang saplot at animo ipinagmamalaki ang mayroon siya.

"Shy wife," then he hissed. Naaaninag ko mula sa loob ng kumot na mayroon siyang kinakalkal sa cabinet.

"Magdamit ka," banta ko sa kanya.

"I'm done," wika niya kaya't inalis ko na ang pagkakatalukbong ng kumot. Nadatnan ko na may inaabot siyang damit na kulay puti kaya't kinuha ko ito.

"How about my underwear---"

"Wear that first, mamaya na natin problemahin ang pang ibaba," putol niya sa akin saka ako kinindatan.

Sinunod ko ang sinabi niya at sinuot ang damit. Ang manggas nito ay lagpas sa siko ko at ang laylayan naman ay hanggang tuhod ko. Napakalaki niyang tao.

Nauna na siyang lumabas at ako naman ay tumungo sa banyo upang maghilamos ng mukha.

Napatingin ako sa salamin nang matapos kong magsabon ng mukha at bumungad sa akin ang sunod-sunod na kiss mark sa leeg ko pababa hanggang dibdib ko.

Mabilis akong tumungo sa kusina kung nasaan siya para lamang bigyan siya ng matatalim na tingin.

"Why?" Tanong niya na animo inosente siya sa ginawa niya.

"Mapagsamantala!" Bulyaw ko sa kanya. I always forget that I'm Aeickel Lavria whenever he's infront of me. I can be so nagger and talkative in front of this person.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon