Flame's P.O.V
Gusto kong saktan ang sarili ko. Awang awa kaming lahat sa kanya. Awang awa kami na nakikita siyang hawak ang bangkay ni Night ngunit wala kaming magawa. Kami mismo ay nasasaktan. Kami mismo ay sising sisi sa ginawa naming pag-iwan sa kanya.
"Flame? Ano ng susunod nating hakbang?" Pukaw sa atensyon ko ni Dan, isa sa mga trainee agent.
"Hindi ako makapag-isip ng tama ngayon. Mabuti pa dalhin natin ang bangkay ni Night sa Phyrric. Mas makakabuti kung iveverify ito ni Tungsten," wika ko kay Dan.
"Pero wala si Tungsten sa Phyrric ngayon Flame. Hiningi niya ang araw na ito para sa kamatayan ng ina niya," sagot ni Dan sa akin kaya't lalo akong nahirapan sa magiging desisyon ko.
"Dalhin pa rin natin siya sa Phyrric. Madam Cassandra's verification is enough," suhestyon ni Vega na nasa gilid ko.
Tumango ako at sinunod ang sinabi nila.
Nilapitan ko si Nigel at batid ko na hanggang ngayon ay hindi rin niya matanggap ang nakikita at nahahawakan niya. Kung ako ang nasa posisyon niya ay hindi ko rin masasabi kung anong sakit ang mararamdaman ko o kung ano man ang maaari kong magawa.
"Nakahanda na ang sasakyan," tinig iyon ni Scorpio.
Nagtulong kaming buhatin ang katawan niya pasakay ng sasakyan. Hindi ko maatim na tignan ang mukha niya. Hindi ko kayang ito ang huling mukha niya na rerehistro sa isip ko. Hindi ko kayang tanggapin.
Makalipas ang ilang oras ay narating namin ang Phyrric ngunit hindi namin inaasahan ang nadatnan namin rito.
Si Madam Cassandra, kasama niya ang magulang ni Night na sila Ma'am Guia at Sir Lexir maging ang kakambal niyang si Leickel. Alam ko ang lahat ng impormasyon ukol kay Night dahil kami nila Scorpio, Pieces, Tungsten, Vega, at Alistair ang magkakasama at magkakasabay na pumasok bilang agent at kasalukuyan palang din siyang nagsisimula noon ngunit masasabi kong higit siya sa amin sa lahat ng bagay.
Ibinaba namin ang katawan ni Night at si Nigel ay tulala lamang na nakasunod sa amin.
Mabagal ang naging paglakad ng ina ni Night patungo sa kanya na tila hindi nito kakayanin ang maaari niyang makita at ang kakambal naman ni Night ay nakayakap sa isang lalaki na ang alam ko ay asawa niya at walang humpay sa pag-iyak.
Nang mailapag na namin sa harap nila ang katawan ni Night ay bigla na lamang yumakap dito si Sir Lexir.
"Nak? Alam mong mapagbiro ang Papa, pero hindi ganito. 'Nak tayo na dyan. Hindi na 'ko natutuwa sa'yo," garalgal ang tinig nito na animo ano mang oras ay babagsak ang mga pinipigil na luha.
"Aei? Ang sabi ni Mama noon pa 'nak huminto ka na, 'di ba? Kaya namin kayong buhayin magkapatid kahit hindi ka magtrabaho, lalo at ganitong klaseng trabaho," wika ng ina ni Night saka nito hinawi ang buhok ni Night.
BINABASA MO ANG
My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 8/18/20 #2 - Adventure 12/27/20 #5 - General Fiction 09/25/20 #1 - Music 08/27/20 Aeickel L...