Twenty

76.8K 2.3K 164
                                    

Aeickel's P.O.V

"Nalaman na nila na clone system ang napasok nila," kapwa kami napalingon ni Scorpio sa sinabing iyon ni Vega.

"Hindi nila nalaman, matagal na nilang alam," walang emosyon kong tugon dito.

"Paano mo nasabi iyon?" Tanong ni Scorpio.

"Hindi ako tanga, at mas lalong hindi tayo uto-uto. May traydor sa organisasyon na ito," nakita kong napalaki ang mata at nagulat ang lahat ng agent na nasa harap ko ngayon.

Ipinulong ko sila dahil nakararamdam ako ng ibang galaw sa kumpanya. Idagdag pa na animo pumipirata na ng kakampi mula sa kumpanya ang nais pumatay kay Nigel. Una ng halimbawa si Silva.

"May nakalap ka bang ebidensya?" Diretsong tanong ni Flame sa akin. "Baka natatabunan na ang paghatol mo ng bagong nararamdaman mo," saka siya ngumisi sa akin. Alam kong pinatutungkulan niya ang ginawa kong pagsuntok sa kanya.

"If you're not serious enough to discuss this matter with me, leave the room. I don't need anyone who wants to play games with me. I'm too busy to play," malamig at walang emosyon na sagot ko kay Flame. Nakita ko naman na naramdaman niya ang kaseryosohan ko.

"I'm sorry---"

"Let's proceed," saka ko ikinlick ang remote na hawak ko upang lumipat ang slide. "Ito ang clone system na hindi mo aakalaing isang clone dahil exact copy ito, yet they didn't bother penetrating it," paliwanag ko sa kanila.

"Why do you think so?" Tanong ni Alistair.

"First, they find it hard to crack the code. But in my opinion, that's impossible. Second, they can't reach the heart of the system because they couldn't penetrate the first block. Lastly, they didn't bother penetrating it because someone in this room told them that it was just a clone system at wala silang mapapakinabangan dito."

Nagtinginan sila sa isa't isa na animo lahat ay kriminal para sa kanila. "Are you sure about the last choice? Hindi ba't opinyon mo lang---"

"I never tell my opinions and conclusions without a basis and not unless they are reliable. If you think my opinions and conclusions are bias, then give me another choice why the unknown enemy didn't bother discovering what's inside the clone system," sagot ko kay Pieces.

"Hindi kami ang kalaban, Night. Calm yourself," turan naman sa akin ni Tungsten.

"Kung hindi niyo matutuklasan ngayong araw na 'to kung sinong traydor sa organisayon, ako ang kikilos. I just want to warn all of you that if ever I find who you are, I am going to fucking kill you. I'll tear every bit of you, before finally stop you from breathing," babala ko sa kanila na alam kong alam nila na hindi ko gagawing biro.

"Poison, is our prime suspect. She's already isolated," wika ni Flame sa akin. Tinapunan ko siya ng makahulugang tingin.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon