Aeickel's P.O.V
"P---Paanong narito ka!?" Sigaw niya sa akin sa hindi makapaniwalang tinig.
Hindi ako isang tanga na agad mapababagsak at mas lalong hindi ako isang bobo na kakagat sa bitag.
"Did you really think you could beat me with that cheap acting of yours? Scorpio, I'm way way way smarter than what you could ever imagine," saka ko siya binigyan ng nakakalokong ngiti.
"Putang ina mo! Niloko mo kami!?" Nanggagalaiting wika niya ngunit hindi siya makapasag dahil nakaumang ang nguso ng baril ni Tungsten sa kanya at nanginginig na itong kumalabit ng gatilyo.
"Sa iyo pa nanggaling ang salitang niloko? Wow Scorpio, mahiya ka naman sa balat mong hayop ka," sabat ni Tungsten.
"A traitor is a traitor, how do you want me to kill you? Slowly? Or with a loud bang?" Saka ako naglakad palapit sa kanya at itinutok ang baril sa noo niya. "O tatadtarin kita ng bala gaya ng ginawa mong pagpatay kay Poison?"
Nakita kong tila nanigas si Tungsten sa narinig niyang isiniwalat ko. Ngayon niya lang narinig ito dahil ang nakakaalam lamang ng teyorya ko ukol sa pagkamatay ni Poison ay sina Flame at Vega.
"I--IKAW ANG PUMATAY KAY STELLA!?" Nakita ko ang panginginig ng kamay ni Tungsten. Tinuring niyang nakababatang kapatid si Poison gaya ni Flame.
"PUTANGINA MO NIGHT! ANG DAMI MONG ALAM BAKIT HINDI KA PA NAMATAY!" May pagka garalgal ang tinig niya. Alam kong natatakot siya sa naging reaksyon ni Tungsten. Napangisi ako lalo sa kanya.
"Tang ina Night, hindi ba maaaring ako ang dumurog sa hayop na traydor na 'to?" Ramdam ko ang galit at pagkamuhi sa tinig ni Tungsten. Alam ko ang nararamdaman niya dahil ganyan din ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Let him know first why did we end up knowing that he's a traitor," malumanay kong pahayag.
*****
Nang makaalis ako sa bahay ni Nigel ay hindi ko agad tinawagan si Vega at Flame upang sunduin ako. Tinungo ko ang Phyrric nang walang nakakakita at walang nakakaalam.
Una kong pinuntahan ang work area ni Tungsten at nakita ko siyang busy sa pag iinspeksyon ng mga cloned bodies na madalas naming gamitin sa mga misyon na nangangailangan ng pagtakas at pag-iisip. Napangiti ako kung gaano siya ka metikuloso sa pagbusisi ng mga cloned bodies. Si Tungsten ang taga verify namin sa mga katawang nakukuha namin sa mga crime scenes dahil nga sa pagiging eksperto niya. Ang mga gawa niya ay hindi mo iisipin na isang clone sa pagiging perpekto.
Nilampasan ko siya at tinungo ko ang locker ni Poison. Kung tama ang iniisip ko nasabi rin niya sa akin ang password nito bago siya mawala. Ipinuwesto ko ang sarili ko sa harap ng pinaglalagyan ng code at inilagay ko ang codename kong NIGHT, at gaya ng inaasahan ay bumukas ito.
Ang ipinagtatakha ko ay isang bag na may lamang bote ng tubig ang nasa loob ng locker niya at sa palagay ko ay isang panyo o mas tamang sabihin na isang lampin.
Agad kong kinuha ang mga ito at nilunod ko ang sarili ko sa matinding pag-iisip. Matagal ko ng pinag-iisipan na si Scorpio ang traydor ng organisasyon at alam kong ganoon din si Vega ngunit ngayon ko ito napatunayan dahil sa bote ng tubig. Kung tama ang pagkaka-alala ko, Scorpio is water sign that derives the strength it has from the emotional and psychic realm.
Ang lubos kong inaalala ngayon ay ang lampin na nakuha ko sa locker ni Poison. Anong ibig sabihin nito?
Tinungo ko si Tungsten muli na ngayon ay nagkakape na lamang habang may tinitignan sa desktop niya.
BINABASA MO ANG
My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 8/18/20 #2 - Adventure 12/27/20 #5 - General Fiction 09/25/20 #1 - Music 08/27/20 Aeickel L...