PROLOGUE

156K 3.5K 765
                                    

~ FREEZELL SERIES #5


"DAMN IT JACEN!"

Halos lahat ng aplikante na narito sa waiting area ay parang nahintakutan sa pagsigaw na iyon maliban sa akin. Inaral ko na ang ugali ng taong iyon bago pa ako nagpunta dito.

"I told you, I fucking need a male secretary and not a fucking slut!"

Halatang kulang na lamang ay maputol ang litid nito sa leeg sa ginawa niyang pagsigaw.

"Alis na kaya tayo, frend? Nakakaloka naman pala 'yung magiging boss natin. Wit ko bet kahit pa yummy siya. Yay!"

Hindi na ako nagtakha sa naging reaksyon na iyon ng bakla at babaeng katabi ko. Mabilis silang umalis kasabay ng mga iba pang aplikante bukod sa akin.

"Sir?" napalingon ako doon sa babaeng tumawag sa akin. Maliit lang siya at parang kinikilig pa siya sa pagtawag niya sa akin.

"Yes?" pinilit kong gawing natural ang boses ko na hindi ako mahahalata na babae ako.

Yes. This is my plan. Nagpanggap akong lalake upang makapag apply dito sa Ricafort Agency at upang mapalapit sa lalaking kanina pa sigaw ng sigaw sa loob ng opisina.

Hindi naman naging mahirap sa akin ang pagpapanggap dahil mula bata ako ay lagi akong napagkakamalang lalaki dahil 'di umano sa taglay kong kagwapuhan.

"Mr. Aeickel Van Lou, you're hired. You can start tomorrow para sa evaluation sa'yo ni Jacen. Makaka alis ka na," ni hindi ko na nakuhang magsalita. Basta pinaalis na ako nito na sinunod ko naman.


*****

KASALUKUYAN kaming nasa bar nitong boss ko na hindi ko naman pwedeng pabayaan. Bukod pa sa dahilan na nagpasama siya sa akin dito.

"Magpakasal tayo," he said while we're drinking. Tinatamaan na din ako ng alak kaya't hindi na gaanong pumapasok na utak ko ang pinagsasasabi niya.

"Hindi dahil brokenhearted ka ay mag aaya ka nalang ng kung sino sinong babae na papakasalan ka," sagot ko naman dito.

"Bakit, babae ka ba?" saka pa ito tumawa ng nakakaloko dala ng pagkalasing nito. "Look dude, wala namang masama sa same sex marriage. Let's just do this thing! Hindi na din siguro masama kung sa'yo ako magpapakasal, tutal kamata mo naman 'yong babaeng nanakit sa akin."

Masyado siyang madaldal kaya't kinaladkad ko na siya palabas ng bar na iyon. Lasing na din ako at damang dama ko 'yon.

Hindi na ako nagtatakha sa sinabi niya na kamata ko ang babaeng nanakit sa kanya, kakambal ko 'yon e! Si Leickel 'yon, pero wala siyang ka alam alam.

Dinala ko siya sa kilala kong judge. Kinatok ko pa nga ang bahay nito.

"Oh Aei!?" halos di makapaniwalang saad ng judge na 'to. He's Judge Guio Lou. My uncle.

"Please, ikasal niyo kami."

Hindi na ako nagdalawang salita dito. Ang asawa niya na si Tita Sapphire at si Eliara na pinsan ko ang nagsilbing witness namin ni boss sa kasal na ito.

Natapos ang gabing iyon na may pinirmahan akong marriage contract. A legal marriage contract.

*****

"AEICKEL bring me some coffee here in my dressing room!" I heard him shouted. I'm currently working as his personal assistant and not just his office assistant. Well, he's an actor singer slash business man. He has a band named RAIN.

Agad akong pumasok sa dressing room niya at inilapag ang kapeng hiniling niya.

Nakatutok lang siya sa magazine na binabasa niya at hindi ininda ang pagpasok ko. Ano pa nga bang aasahan ko sa taong ubod ng sungit at lamig? Tinalo pa ang ugali ko na walang pakielam sa tao.

"What are you still doing here?" he asked as he raised his left eyebrow nang bahagyang mapatagal tagal na ang pagtayo ko doon.

I immediately left his dressing room without saying any word.

I'm Aeickel Lavria Lou- Freezell and he's Nigel Iñigo Mendoza- Ricafort,

MY SHORT TEMPERED HUSBAND.

-


(Sa mga hindi readers nito at bagong salta, please don't be confuse. It's AEICKEL LAVRIA LOU-FREEZELL, pero dahil parang nagkaphobia na sa babae si Nigel, hinire niya si Aeickel without knowing na babae pala ito dahil mukha itong napakagwapong lalaki.)

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon