||@Fourth||

3 1 0
                                    

Timoteo's POV

It's 5:30 in the morning, na kung saan nagising ako na sobrang sakit ng aking ulo na para bang ang sarap i-untog sa pader.

At isa pa, ito ang araw na ayaw na ayaw kong ma-engkwentro sa buong buhay ko. Sino ba naman kase matutuwa na, magpapakilala ka na naman sa harap ng mga dugyot mong mga kaklase.

Wala akong oras sa mga di makabuluhang bagay. Wala akong ganang tumayo mula sa aking higaan, na para bang mas gusto ko nalang matulog magdamag.

I was staring at my phone, expecting that someone could send me a message. But it doesn't have one. Dahil sa nakakaramdam parin ako nang pagkaantok ay bigla nalamang nahulog ang aking cellphone sa aking mukha.

"Arghhh!!!"

"Haysss" I sighed.

Tok! Tok! tunog mula sa pintuan.

"Come in!" I uttered.

"Oh?, wala ka bang ganang tumayo jan?" tanong ni dad.
"Halikana't tayo ay mag-umagahan at papasok ka pa sa school matapos." dugtong niya.

"Later, after I take a bath" maikling tugon ko.

"Bilisan mo! At sasabay ka saken. Ako na maghahatid sayo." ani niya na agad ko namang ipinagtataka.

"W-what do you mean?" I asked with full of confusion.

"You're not allowed to use your car right now." he said.

"What! ...Are you serious?!"

"Do you think I'm joking?" seryosong tugon ng aking ama.

"But... Wala naman akong ginawang mali ah" pag-uusisa ko.

"Huh" ngisi niya. "Anong wala? Let me just rewind you what really happen last night. Sa pag-uwi ko ay siya ring pagdating mo. At nakita kitang lasing na lasing, then when I was trying to help you to go to your room to take a rest, you suddenly puke at my uniform. At sino hindi maiinis dun Tim?" kunot noong saad ng aking ama, habang ako ay kamot batok.

"But..."

"No more buts Tim, bilisan mo nalang at male-late na tayong dalawa." huling salitang narinig ko mula sa kanya.

"Kainis!" I uttered while hitting my head.

Afterwards

Bumaba ako mula upstairs nang matapos kong makapaghanda sa aking kagamitan para sa unang araw ko sa paaralan. At agad nang kumain ng umagahan kasama ang aking ama at ang iilang kasambahay. And about my mom? I don't have time to talk about her.

I'd already contented together with my dad. Kahit na, minsan ay di kami nagkakaintindihang dalawa ay masaya parin ako na makasama siya.

"Let's go?" maikling tugon ng aking ama, na tanging pagtango lang ang aking isinukli.

Sa gitna ng byahe ay walang nagtangkang umimik na dahilan ng nakakabinging katahimikan, kaya mas pinili kong makinig ng musika mula sa kotse ng aking ama. At isinasabay ang aking ulo sa bawat ritmo ng musika.

Maya-maya pa ay-

"Bib-ta mu-a ak- sa s-h-l -o" ani niya na hindi ko masyadong naintindihan.

"Ha?" pagtataka ko.

Maya-maya pa ay bigla nalang ako nakatanggap ng kotong mula sa kanya. At unti-unting pinahinaan ang tugtog.

"Eh papaano mo ako maririnig kung napakalakas naman ng volume ng musika mo!" inis na saad niya habang nagmamaneho.

"Hayss, napakapasaway mo talagang bata ka, di ka parin talaga nagbabago anak" ngising tugon ng aking ama, at agad nagtawanan.

"I said, bibisita muna ako sa school mo. I just want to talk to your principal" ani niya.

"Okay" maikling tugon ko

"Pag nalaman ko talagang nambubully ka uli ng classmates mo is malilintikan ka talaga saken" ani niya, habang ako naman ay parang bata na ginagaya ang kanyang pinagsasabi.

"Seryoso ako Tim, this is just for your own good."

"Okay fine!" sapilitang tugon ko.

Ipagpapatuloy...

Sorry medyo napabitin ata kayo sa part nato.
Ito yung chapter na napataas ang words na nagamit ko eh no? Hoping na magustuhan niyo to
Don't forget to vote, comment as well mga mahal.

When I secretly fell into you [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon