||@Seventeenth||

0 1 0
                                    

Sebastian's POV

Nang matapos ang aming klase ay agad na kaming nagsibalikan sa aming inuupuan, at hihintayin muli ang panibagong asignatura. Ngunit labis akong nagtaka nang dahil sa aking pag-upo ay siya ring pagdating ng aking kapwa mag-aaral papunta sa aking pwesto.

"Grabe ang intense mo sa part na yun Baste!" paghanga ni Cassy. Halatang napaka chismosa ng babaeng ito dahil nakuha niya pang umupo sa tabi ko kahit di naman siya dito nakaupo.

"Oo nga halatang may pinang-huhugutan. Ayieee!" saad ni Jona na agad namang naghiyawan ang mga kaklase kong uto-uto.

"Ang ingay niyo naman(tawa ng marahan) pinalabas ko lang ang sarili kong saloobin batay sa paksang iyon" pagkukumbabang saad ko.

"Magsibalikan na kayo sa mga inuupuan niyo! At paparating na ang next teacher natin" galit na saad ni Timoteo na agad ipinagtataka ng iilan.

"Kaloka! Galit na galit. May problema ka ba dadi Tim?" tanong ng bakla na ngayon ang kilay at noo ng kanyang sinabihan ay nakabaluktot.

"Wala bakit?" biglaang pagtayo nito na agad namang napaatras ang iilan. At papalapit nang papalapit ito sa pwesto ng bakla na agad ko naman itong pinigilan

"Oh kalma lang" pagpigil ko sa kanya sa gitna ng daan na habang ang aking dalawang kamay ay nakaharap sa kanya bilang senyales ng pagpigil.

"Oh what's happening out here?" bungad ng aming maestro.

"Ahhh-ehh-uhmm(nauutal na saad ko)nothing sir! We're just practicing our role play" pagsisinungaling ko.

"Okay! Go back to your sit so we can start our discussion" saad nito na agad namang nagsibalikan sa inuupuan ang aking mga kaklase.

"Hays(sighed) kala ko talaga may magaganap nang gulo" bulong ko sa aking sarili at agad nang umupo.

Sa aking pag-upo ay siya ring pag-umpisa ng aming leksyon. Sa gitna ng aming klase ay hindi mawawala doon ang mga pasulit na ibinibigay ng aming guro.

Sa mga tinuro ni sir na mga formula ay naiintindihan ko ang iilan nito subalit ang karamihan ay 'hindi'. At alam niyo ba na halos puno ang aming pisara nang dahil lang sa mga formula? Partida formula palang yun pano na kung may mga solusyon pa. Baka mas lalo akong mabaliw nito sa kagagawan ni sir jusme. Nang matapos itong magsulat sa pisara ay agad itong lumingon sa aming mga mag-aaral.

"Okay! I want you to memorize this formulas(sabay turo sa pisara) co'z we're having a oral recitation for tommorow. Is that clear? (pagtango lang ang aming ibinigay bilang pagsang-ayon)" saad ng aming maestro.

"Hala paano yan, kakaunti lang nalalaman ko" bulong ko.

"Kaya nga e-memorize diba?" boses ng katabi ko at nang sa paglingon ko ay si Timoteo pala.

"Abay ba't parang galit?" tanong ko sa sarili ko. Di ko alam kung bakit sa tuwing bumubulong ako is may nakakarinig. Ganun naba talaga kalakas boses ko?

"Okay that's all for today class! Goodbye" paalam ng aming maestro.

Nang matapos ang aming Mathematics subject ay sumunod naman ang Tektong Pagtatalakay na kung saan nakapokus ang aralin na ito sa mga pananaliksik.

Sa loob ng diskasyon ni maam ay naiintindihan ko ang kanyang pinagsasabi dahil sa mahilig ako sa wikang Tagalog kaysa sa Ingles.

Panay turo lamang sa pagtuturo ang aming guro at nang sa umabot na ng isang oras ay tumunog na ang kampana na senyales na tapos na ang klase.

Alam niyo ba na sunod-sunod ang leksyon namin na parang walang pahinga. Yung tipong kapag matatapos ang isang asignatura ay may panibagong guro uli.

At nang sa kami ay nabigyan ng pagkakataong kumain ay agad kong tinungo ang canteen na mag-isa. Nung una ay niyaya ako nina Cassy na kumain kasama sila subalit tumanggi ako dahil gusto ko munang mapag-isa.

Sa gitna ng aking paglalakad ay may isang mag-aaral na tumapik sa aking likuran na hindi ko alam kung bakit.

"Oii tol" akbay nito sakin.

"Hmm?" taas kilay na pagtataka ko.

"Ah wala... wala" nakangising sagot nito at agad na umalis.

Habang ako'y naglalakd papuntang canteen ay pansin kong tinatawanan ako ng bawat mag-aaral sa tuwing sila'y nadadaanan ko.

Panay akong lingon sa aking sarili kung ano nga ba ang kanilang tinatawanan. Siguro ay may dumi sa mukha ko? Sa uniporme? O else?

Napatigil ako sa paglalakad nang may nagsabi na "Mahilig ka pala sa hotdog kaysa sa bibingka pre" saad ng binata na patuloy paring tumatawa papalayo.

"Anong ibig niyang sabihin?" tanong ko sa aking sarili habang patuloy parin sa paglalakad. Ako ngayon ay naglalakad na nakayuko, rahil hindi ko kayang tignan ang kanilang pagmimukha sa tuwing tinatawanan nila ang aking pagkatao.

Habang naglalakad ay rinig na rinig ko parin ang tawanan ng iilang mag-aaral sa tuwing sila'y aking nadaraanan. At hanggang sa may humawak sa kamay ko at naglakad ng mabilis. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko namukhaan ang humila sakin. Sa aming paglalajad ay tila naging malabo ang paligid na tanging siya lang ang aking nakikita.

Dinala niya ako sa lugar na walang gaanong katao-tao. At tiyaka ko pa siya namukhaan nang bitawan niya ang aking kamay.

"Ińego?" di ko alam kung yun ba ang pangalan niya o hindi.

"It's Diego" nakangising saad nito.

"You must be aware sometimes." seryosong saad nito sabay may kinuha na bagay sa aking likod.

"Look at this(turo niya sa papel at binasa ang nakasulat) 'Mahilig ako sa hotdog kaysa sa Bibingka'" saad nito at agad pinunit. Napailing nalang siya dahil sa kanyang nakita. Nagulat ako sa kanyang pinakitang papel. Ngayon alam ko na kung bakit ako pinagtatawanan ng iba dahil lang pala dun. At sino namang yung g*gong naglagay nun.

"Subukan mong maging alerto minsan. Remember this! Kung may isang taong lumapit sayo na hindi mo naman kilala, alamin mo na may gagawing di maganda ang taong yun sayo. Pero no worries huh (wave his hands) wala akong gagawin na masama sayo" nakangiting sagot nito.

"Thank you" maikling saad ko.

"Tara? Snack?" pagyaya nito na pagtango lang ang aking ibinigay, dahil kumukulo na ang aking tiyan sa sobrang gutom.

To be continued...

When I secretly fell into you [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon