Sebastian's POV
It's 7:49 am na kung saan nagising ako nang dahil sa isang bosena ng sasakyan mula sa tapat ng aming tahanan.
"Anak, aalis na ako" wika ng aking ina mula sa pinto, habang bitbit ang kanyang bag na naglalaman ng mga damit.
"Nu ba naman yan ma. Bungad na bungad sa umaga ang hinanakit mo." nakabusangot na tugon ko, na nanghimuta.
"Sorry anak, akala ko kase tanghali ako susunduin ng tito mo." paumanhin nito.
"Ito naba si Sebastian?" tanong ng isang manong mula sa labas.
"Oh nga pala, siya si tito Joey mo" bulong ni mama.
"Ah hello po" pagmano ko sa kanyang kamay.
"Anlaki mo na ah. Parang kailan lang ikaw yung dugyot na bata na nakita namen sa simbahan, na habang bitbit ka ng iyong ina. Hahaha!" biro nito na siyang pagtawa naming tatlo.
Dugyot talaga? Di ba pwedeng maliit na bata na lang? Naku kung di ko lang to kamag-anak baka nasapak ko na to.
"Pano ba yan, aalis na kami anak."
"Mag-iingat ka dun mama ha. Mamimiss kita"
"Aysus, ang sabihin mo mamimiss mo lang ako nang dahil sa wala nang magluluto ng pagkain mo araw-araw. At wala nang tagalaba."
"Kahit kailan ma, hindi naman lahat ng bagay ay inaasa ko sayo. Totoong mamimiss kita kase, ito yung unang beses na mawawalay sa ka tabi ko." saad ko.
"Malaki kana anak. At matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa." sagot ni mama na tanging pagtango lang ang aking isinukli.
Bakit wala ba akong paa ma? Hahaha!
Bago makaalis ang aking ina ay binigyan ko muna ito ng isang mahigpit na yakap, at halik sa pisngi. Ito ang mamimiss ko kay mama, yung lambing at mga pangaral niya saken.
Agad namang kinuha ni Tito Joey ang mga bitbit na bag ni mama upang mailagay sa loob ng sasakyan. At sumunod naman si mama.
"Paalam nak" kaway ni mama mula sa loob ng sasakyan, sabay flying kiss. Ancute ni mama Hahah!.
At tuluyan nang umalis ang sasakyan na kanyang sinasakyan. Nang makabalik ako sa loob ng aming tahanan ay tila nanibago ako. Ang dating kay ingay ng aming tahanan ay ngayon naging tahimik.
Nang ako'y makaupo sa sofa ay tila may bumabagabag sa aking sa isipan na tila'y may nakalimutan ako.
"Hala!" panandaliang pagtayo ko.
Nakalimutan ko na may lakad pala ako ngayon. Wala namang sinabing exact time si Diego pero dapat mas maaga ako kaysa sa kanya para hindi siya mabagot kakahintay saken.
Agad kong tinungo ang banyo upang maligo. At nang matapos maligo ay agad na akong namili ng maaaring susuotin. At ang sumunod naman ay ang pormahan, siyempre hindi mawawala doon ang pabango. Needed yun sa katawan ng tao kase natural na babaho ang ibat ibang parte ng katawan. Hindi yung tipong mabaho ka na nga hindi ka pa magpapabango. O diba sapol!
Nang ako ay tuluyan nang matapos ay agad na akong lumabas ng bahay at kinandado ito, sapagkat ito ang bilin ng aking ina.
Nang madatnan ko ang aming paaralan ay katulad ng aking inaasahan ay mas nauna pa si Diego saken.
Ang kanyang postura ay nakasandal sa kanyang sasakyan na tila may ginagawa sa kanyang telepono.
Ang astig niyang tignan.
"Sorry late ba ako?" paumanhin ko.
"No, kakarating ko lang din." nakangiting saad nito.
"Di mo rin naman kase sinabi kung anong oras ang pagtatagpo. Hahah!" sagot ko.
BINABASA MO ANG
When I secretly fell into you [BXB]
Teen FictionThis book was work by fiction. Note: Homosexual warn. Ang librong ito ay nilikha para sa mga taong kayang magbasa ng storya na ang mga karakter ay mayroong pagtingin sa kanilang kapwa kasarian. Pero kung ayaw mo sa mga ganitong teksto ay maaari ka...