Sebastian's POV
Nang mapalo ng kabilang manlalaro ang bola ay agad naman naming itong dinepensahan. Nang sundan ko ang ikot ng bola ay sa akin na pala ito papunta, kaya agad kong tinanggap ito gamit ang dalawa kong braso. At agad naman itong tinanggap ng setter.
"Spike!" sigaw ng setter tungo sa aming spiker. Nakalimutan kong banggitin na ang aking pwesto ay nasa bandang likuran ng spiker. At ang proseso ng aming laro ay "rotation."
Nang mapalo ito ng aming spiker ay napagtagumpayan niya namang hindi ito nadepensahan ng kalaban, at nang sa gayo'y amin ang isang puntos.
Kung kaninong grupo ang makakapuntos ay sila ang mag se-serve ng bola. Ganoon lamang ang proseso ng aming paglalaro hangga't sa ang puntos ay umabot na ng 21-24 na kung saan lamang kami ng tatlong puntos. At sa nasa kalaban ngayon ang bola.
"Pre, mag-seset ako para sayo tas spike mo ha" saad ng lalaki tungo sakin at agad pumwesto ng maayos.
"Sige, susubukan ko" saad ko at katulad ng ginawa niya ay inihanda ko ang aking sarili.
Isang puntos nalamang ang aming kailangan upang upang kami ay manalo sa larong ito.
"Prrrttt!" tunog ng pito.
"Play!" sigaw ng server, at agad namang pumasok ang bola mula sa aming court at napagtagumpayan naman namin itong depensahan.
"Sayo to tol!" sigaw ng setter at agad niyang pinataas ang bola. At agad naman akong bumwelo at nag swing, at nang sa ganon ay tumalon ako upang paluin ang bola ngunit sa di inaasahan ay-
"Woah!" hiyawan nila.
"Prttt" pito ni coach.
"Score 21-25, tapos na ang laro. Mahusay!" dugtong nito.
At agad silang nagsilapitan sakin. Pero sa pagpalo kong iyon ay natamaan pala ang isang miyembro ng kalaban kaya agad ko itong nilapitan.
"Sorry, di ko sinasadya yun" pagpaumanhin ko at agad ko siyang itinayo.
"Uhm, ayos lang" saad nito habang panay himas sa mukha niyang natamaan ng bola.
"Paumanhin uli" ani ko sabay yuko sa aking ulo bilang pagpapakita na sincere akong humihingi ng tawad.
"Grabe ka naman dun Sebastian! Ang galing mo naman palang maglaro" hampas ni Cassy sa aking braso na agad kong naramdaman ang sakit.
"Masyado kang mapanakit" reklamo ko.
"Pero lagpas langit kaluluwa ng natamaan mo be" biro ni Jona na agad naming ikinatawang tatlo.
"Di ko talaga sinasadya yun" kamot batok na saad ko.
Sa gitna ng aming pag-uusap ay bigla nalamang may lumapit sa aming pwesto.
"Iho, inaanyayahan ka naming sumali sa aming grupo, yun ay kung nais mong sumali." saad ng coach.
"Yiee, tanggapin mo na! Nagpapakipot kapa eh" ani ni Jona na panay siko saken.
"Ahh sige po, nais ko pang umunlad ang paglalaro ko sa isport na ito" sagot ko sabay bitiw ng matamis na ngiti.
"Okay good, welcome to the group...?" taas kilay na saad nito na agad kong nakuha ang kanyang nais sabihin.
"Sebastian" pagpapakilala ko.
"Welcome to the group Sebastian, by the way hayaan mo ang aming sarili na magpakilala sayo" pormal na saad ng coach na ngiti lamang ang aking ibinigay.
"I'm coach Archi, and this is..." pagpapakilala niya sa mga manlalaro na kanina ay aming nakalaban.
"Nice to meet you" sunod-sunod nilang sagot nang matapos silang ipakilala ng coach saken.
"And the last..." di natapos si coach dahil-
"I'm Jacob!" maligayang sagot ng mistisong lalaki sabay abot ng kanyang kamay at bitiw ng kindat sakin.
"Aba g*go ba to? Ginagawa niya ba akong babae?" salitang nagrarambulan sa aking utak.
Wala naman akong nagawa kundi tanggapin kamay niya bilang pakikipagkaibigan.
"Oi, dumadamobs na si Jacob coach oh! Hahaha!" saad ng setter na nagpakilala bilang Dylan.
"T*nga nagpapakilala lang ako" saad nito sabay tawanan. Nang makita ko ang kanyang ngiti ay napaka gandang tignan dahil sa ito ay naka brace.
To be continued...
Please don't forget to Vote &.& Comment
Note: Asahan mo ang mga pagkakamali pagdating sa mga gramatiko na aking nagamit (grammatical error ahead)
BINABASA MO ANG
When I secretly fell into you [BXB]
Roman pour AdolescentsThis book was work by fiction. Note: Homosexual warn. Ang librong ito ay nilikha para sa mga taong kayang magbasa ng storya na ang mga karakter ay mayroong pagtingin sa kanilang kapwa kasarian. Pero kung ayaw mo sa mga ganitong teksto ay maaari ka...