Sebastian's POV
Sa gitna ng pagkekwentuhan ay naroroon ang tawanan at pikonan. Ito na siguro ang unang araw kong nagkaroon ng kaibigan. Let just say na nagkaroon ako ng kaibigan pero halos lahat ay iniwan din ako. Habang pinagmamasdan ko silang tumatawa ay napangiti nalang ako sa di malamang dahilan.
"Hoyy Sebastian!? Anong tinatawa-tawa mo jan? Mukha kang timang niyan. Hahaha!" saad ni Cassy sabay tawanan nilang tatlo..
"Tanggalin mo yung salitang 'parang' timang talaga yan Hahaha! Biro lang" biro ni Jona.
Napatawa nalang ako sa sinabi nilang dalawa.
"Hoyy! Tungkol pala sa inyo ni Timoteo, napacute niyong tignang dalawa" si Cassy.
"Ayieee" si Jona.
"Bakit?" pagtataka ko.
"Umamin ka nga samin Sebastian" seryosong saad ni Adrian.
"Hmm" ani ko sabay inom ng tubig.
"Gusto mo ba si pareng Timoteo?" tanong nito na siyang dahilan ng mabuga ko ang ininom kong tubig.
"Haa! Anong pinagsasabi niyo? Di niyo ba nakikita na magkapareho kami ng kasarian?" saad ko.
"At isa pa, wala akong gusto sa lalaki no." ako.
"Okay, ikaw na nagsabi niyan ha. Pero sa panahon natin ngayon ay marami nang mga taong ganyan na magkaparehas sila ng kasarian sapagkat sila ay nagmamahalan. Wala namang masama na mahalin niyo ang isa't-isa, sadyang marami lang talagang mapanghusga sa henerasyon nating ito" saad ni Adrian na para bang eksperto na sa ganung mga bagay. Pero tama naman siya.
"Tumpak ka jan!" apir nila ni Cassy at kasali pa tong si Jona.
"Waw, expert niyo naman ata pagdating sa ganyan eh no" ani ko.
"Di naman, sadyang yan lang ang napansin ko sa takbo ng panahon natin ngayon" si Adrian.
"Weather-weather lang Adrian parang ganern?" ani ni Jona.
"Hahaha!" tawanan naming apat.
Kringgg!! tunog ng bell na senyales na tapos na ang kainan.
"Balik na tayo sa classroom" tugon ni Jona na pagtango lang ang aming ibinigay.
Sa aming pagbalik ay siya ring pagbalik ng mga estudyante.
Sa loob ng aming pinag-aralan nandun ang asignaturang Matematiko, Ingles, Pagsusuri at Pagtatalakay ng teksto at ang Kimika. Di ako masyadong nakakapag concentrate sa leksyon ng dahil sa katabi ko si Timoteo, hindi ko alam kung ano ang dahilan. Siguro ay naiilang ako sa tuwing may mga babaeng lumilingon sa aming pwesto at panay kilig sa tabi.
Pero sa gitna ng mga balakid na iyon ay may natutunan parin naman ako.
Alas 2 ng hapon nang matapos ang lahat ng aming aralin ay may dalawang oras na ibinigay ang mga guro para sa mga mag-aaral na gawin ang kanilang mga nais maliban sa ang umuwi. Bilin nila ay magkakaroon sila ng pagpupulong tungkol sa darating na aktibidad sa paaralan.
Since ito raw ang first day of school namin ay, e-enjoy muna naming mga mag-aaral ang araw na ito.
"At ano namang gagawin ko ngayong araw?" sandal ko sa aking upuan sabay tingala.
"Baste! Naglalaro kaba ng Volleyball?" maligayang tugon ni Cassy na agad kong ikina engganyo.
"Baket?!" nakangiting sagot ko.
"Naglalaro ka nga? Muntanga to eh, tinatanong ka ng maayos" irap ni Cassy.
"Hahaha! Oo naglalaro ako. Na excite lang ako sa sinabi mo" kamot batok na saad ko.
"Tara sa court at maglalaro tayo, may gaganapin daw kaseng league sa school laban sa ibang paaralan. Mag seselect pa raw ng mga players si Coach para sure win daw this year." ani nito.
"Hala! Di naman ako masyadong magaling, at isa pa ay nakakahiya kase nandun naman pala coach niyo." sagot ko.
"Ayos lang atleast nag try ka. Alam mo ba na bihira lang makauwi ng tropiyo itong school namen pagdating sa Volleyball? Lagi ngang problemado si Coach kung kailan ba raw makakatanggap ng tropiyo itong paaralan na ito pagdating sa Volleyball." mahabang paliwanag nito, na pagtango lang ang aking isinukli na senyales na seryoso akong nakikinig sa kanya.
"Tara na, hinihintay na tayo ni Jona. At tungkol naman kay tukmol na si Adrian ay mayroon silang pag eensayo sa pag ba-basketball." saad nito.
At nang sa ganun ay tinunton namen ang Volleyball court. Habang papalapit nang papalapit sa pwesto ay di ko maiwasang kabahan, matagal na kase akong di nakakapag-laro ng Volleyball. Let just say na naglalaro ako pero hindi ako kasing galing katulad ng iba.
"Si Jona di ba kasali?" tanong ko.
"Indoor games lang nilalaro niyan. Ayaw niya daw kase mapagod, want niya lang maupi katulad ng paborito niyang laro na Chess" ani ni Cassy na agad kong ikinalingon kay Jona at agad naman itong nag-iwan ng kamay (wave)
Clap! palakpak ng lalaki na siyang ikinagulat ko.
"Okay! Ngayong araw nato ay may try out tayong gaganapin" saad ng isang lalaki na siguro ay ito na ang tinutukoy ni Cassy na coach nila.
"Anim dito, at anim sa kabilang court maliwanag?" dugtong nito
"Yes coach!" sagot ng iilan. At agad nang nagsipuntahan ang mga manlalaro.
"Sir! May gustong sumali" hila sakin ni Cassy.
"Hoyy, nu kaba" nahihiyang sagot ko.
"Okay take your position already and we will start" ani nito at agad naman kaming pumwesto.
"Kulang kami ng isa rito. Rito ka nalang boy" saad ng mistisong lalaki mula sa kabilang court.
"Ako?" tanong ko na pagtango lang ang kanyang ibinigay.
"Faster!" sigaw ng coach na agad ko namang binilisan ang aking kilos.
So ganun na nga, naglaro kami ng volleyball at ang kalaban ko ay ang miyembro nina Cassy.
Ako ngayon ay puno ng kaba dahil sa mga pangyayari. Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay tila bumabagal ang galaw ng mga tao.
"Play!" sigaw ng manlalaro na hawak ngayon ang bola.
Ipagpapatuloy...
Hope you enjoy reading this one. Thank you so much.
Please don't forget to Vote &.& CommentNote: Asahan mo ang pagkakamaling nagamit ko sa bawat pangungusap na aking nabuo.
BINABASA MO ANG
When I secretly fell into you [BXB]
Ficțiune adolescențiThis book was work by fiction. Note: Homosexual warn. Ang librong ito ay nilikha para sa mga taong kayang magbasa ng storya na ang mga karakter ay mayroong pagtingin sa kanilang kapwa kasarian. Pero kung ayaw mo sa mga ganitong teksto ay maaari ka...