Timoteo's POV
At the principal's office, sinama ako ni Dad sa di malamang dahilan. Sa tagal kong kakahintay na matapos ang kanilang pinag-uusapan ay siya namang katamaran ang aking nadama sa aking katawan.
"Ba't ba kase kailangan ko pang sumama?" bulong ko habang nag-uusap sila ng aming punong-guro.
Habang nag-uusap sila ay bigla nalang may sumulpot na isang babae mula sa pintuan , na agad namang nakuha ang aking atensyon.
Ang babaeng ito ay papalapit nang papalapit mula sa aming pwesto, na siyang dahilan ng pagbilis ng pagtibok ng aking puso. Ang kaninang lantang gulay ay naging masagana.
Ako ay napatulala dahil sa kagandahang kanyang taglay.
"Excuse me ma'am? You have a visitors outside, and they want to talk to you" saad ng dalagita, na tanging pagtango lang ang isinukli ng guro.
"So this may be the end of our conversation Mr. Maklaus" saad nito sabay lamano sa aking ama. Maya-maya pa ay lumabas kami sa opisina ng aking ama.
"Anong pinag-usapan niyong dalawa dad?" I asked.
"Nothing" maikling tugon niya.
"What!" sigaw ko mula sa aking isipan. Napakatagal ng usapan nila tas sasabihing "Nothing?".
"I have to go Tim, I had an important meeting ahead." saad nito, na aktong aalis na.
"But wait...may nakalimutan ka" nakangising saad ko while shrugging my eyebrows.
"What?" tanong niya. "Don't tell me? Hihingi ka na naman ng baon mo? " ani niya na pagtango lang ang iginanti ko.
"Ow come on Tim, I'd already filled your bank account. And anlaki ng na fund dun. At isa pa, nabigyan na kita ng pera yesterday remember? Alam mo? Sa panahon namin di ako nagdadala ng baon..." patuloy siya sa pagsasalita nang habang ako ay ginagaya siya patalikod. Sa pagharap ko ay bigla nalamang siyang nawala.
"Nu bayan!" reklamo ko.
"Ba't kaya, anhilig nila mangumpara sa past and present?" ani ko habang naglalakad papuntang classroom.
"Ayos lang yun, may nakita naman akong chix hahaha" nakangiting paglalakad ko, ngunit biglang nawala ang aking pagngiti ng biglang may bumangga saken.
"Sh*t" daing ko. "Bulag kaba?! " dugtong ko na ngayon ay papalapit ng papalapit sa kanya.
"Sorry, di ko sinasadya na banggain ka. Inaamin ko na kasalanan ko dahil hindi ako tumitingin sa aking dinadaanan. Nagkataon lang na namangha ako sa paaralan na ito" paumanhin nito.
"Aba gag* pala to eh" saad na nagmumula sa aking utak.
Dahil sa napikon ako ay agad ko siyang kinuwelyuhan, naiinis ako sa mga taong tanga-tanga.
"Woah, kalma pare" mahinahon tugon niya
"Sa susunod na makita ko yang pagmumukha mo ay asahan mong di kana makakabalik dito" galit na galit na saad ko, dahil sa sobrang galit na naramdaman ko ay susuntukin ko na sana siya nang biglang may pumigil sa aking kamao.
Ipagpapatuloy...
Pasensiya na at masyado akong tipid sa words eh no? Sorry ako lang to.
Please don't forget to Vote and Comment as well.Enjoy!
BINABASA MO ANG
When I secretly fell into you [BXB]
Roman pour AdolescentsThis book was work by fiction. Note: Homosexual warn. Ang librong ito ay nilikha para sa mga taong kayang magbasa ng storya na ang mga karakter ay mayroong pagtingin sa kanilang kapwa kasarian. Pero kung ayaw mo sa mga ganitong teksto ay maaari ka...