Sebastian's POV
"Introduce yourself first, and then ibigay niyo ang katangian na unang nakita niyo sa isa't-isa" tugon ng aming guro.
"Maybe you should go first" turo nito sakin. Agad naman akong nagpakilala dahil gustong-gusto ko nang maupo dahil sa kahihiyan. Nang matapos akong magpakilala ay ang katangian naman ang aking ibinigay.
Ang unang katangiang nakita ko sa kanya ay ang kanyang mata, di ko alam kung bakit pero yun yung unang nagpukaw ng atensyon ko. Nang matapos ako ay siya naman ang sumunod.
Inumpisahan niya sa pagpapakilala sa kanyang sarili, at nang sa ganun ay dito ko na nalaman ang kanyang pangalan na 'Timoteo'.
At tungkol naman sa katangian na kanyang ibinigay ay, mga iilang segundo pa naming hinintay ang kanyang sagot at maya-maya pa ay lumingon siya saken sabay bitaw ng salitang
"Wala" halos mahulog panga ni sir sa kanyang sagot. Natawa ako sa inasal ng aming guro, ngunit di ko ito pinahalata.
"As what you can see, di maayos pagkakaguhit ko kase unang kita ko sa kanya ay mukha na agad ng unggoy ang aking nakita at tungkol naman sa katawan niya (turo niya sa kanyang iginuhit) is para siyang walis tingting, so yun lamang." saad nito habang walang tigil sa pagtawa ang iilan naming kaklase, na agad niya naman akong kinindatan na tila natuwa pa siya sa kanyang ginawa.
"I'd never expected that Mr. Maklaus, uhm you may now take a sit. Okay next!" saad ni sir at agad naman sumunod ang nagboluntaryong studyante.
Nang maupo kami ay pansin kong kanina pang ngisi nang ngisi tong si Timoteo di ko alam kung bakit.
"Anong problema neto?" bulong ko.
A few moments later
Kringg! Kringgg! tunog ng pangalawang bell.
"Okay that's all for today, goodbye class!"
"Goodbye and Thank you sir!" maligayang ganti naming mag-aaral.
Nang makalabas ang aming guro ay agad namang nagkumpulan ang iilang estudyante sa di malamang dahilan, habang ako naman ay nagliligpit ng kagamitan para sa susunod na leksyon.
"Good morning class!" bungad ng pangalawang guro namin, na agad namang nagsibalikan sa kani-kanilang upuan ang mga estudyante. At agad naman namin itong binati bilang pag ganti.
Kagaya ng kanina, nagpakilala kami sa isa't-isa subalit hindi kabilang ang pagguhit o pag imahe sa iyong katabi.
Maya-maya pa ay nag-umpisa na itong magturo. Ilang beses kong sinubukang intindihin ang aming leksyon tungkol sa Chemistry subalit ang utak ko ay hindi handang itatak ang bawat salitang binibitawan ng aming guro.
Habang nagsasalita ang aming guro ay pansin kong napakaseryoso ng iilang kaklase ko kabilang na si Timoteo.
Inaamin kong napaka gwapo niya, at mayroong magandang pangangatawan. Napakatangos pa ng ilong nito, at yung magandang hugis ng kanyang labi at... at... ha? Teka lang? Nababakla naba ako?
"Are you listening Mr. Fuergo?" bumalik ako sa ulirat ng mapansin kong tinatawag ako ni maam, but wait!? kanina pa pala ako nakatingin kay Timoteo?
"Hoyy! Nababakla kana ba sa kagwapuhan ko?" ani ni Timoteo na nakangisi.
"Ayieeee!" hiyawan nila.
"Silence everyone!" at agad namang nagsitahimik ang mga estudyante.
"Mr. Fuergo, ituon mo ang atensyon mo sa aralin natin. Mamaya na yang pantasya-pantasya mo" dugtong ni ma'am.
"Ah-ah yes ma'am" utal-utal na sagot ko. At ang iba ko namang kaklase ay panay lingon sa aming pwesto na pinipigil ang kilig. At nang magtagpo ang mata namin ni Timoteo ay sinuklian niya ako ng isang kindat.
"Arghhh! Pot*ng*na! Anong pinaggagawa mo Bastee!" bulong ko, di ko alam bakit uminit pisngi ko bigla sa kagaguhang ginawa niya.
Di naman ako bakla, pero bakit na aatract ako kay sakanya?
"Arghhh!" tapik ko sa aking mukha upang bumalik na sa ulirat-at agad itinuon ang atensyon sa leksyon na tinuturo ni ma'am.
Ipagpapatuloy....
Hope you enjoy reading this one. Stress na stress ako sa academics sobra, kaya umabot ng ilang days bago ako nakapag update.
Note: Grammatical errors ahead.
Please don't forget to Vote &.& Comment na ren, bukas ang aking sarili sa inyong pagpupuna.
BINABASA MO ANG
When I secretly fell into you [BXB]
Fiksi RemajaThis book was work by fiction. Note: Homosexual warn. Ang librong ito ay nilikha para sa mga taong kayang magbasa ng storya na ang mga karakter ay mayroong pagtingin sa kanilang kapwa kasarian. Pero kung ayaw mo sa mga ganitong teksto ay maaari ka...